Search Header Logo
Pagsulat ng Sintesis

Pagsulat ng Sintesis

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Hard

Created by

Michelle Abucal

Used 1+ times

FREE Resource

9 Slides • 0 Questions

1

media

​Pagsulat ng Sintesis

2

​Kahulugan ng Sintesis

  • Sa pinakabatayang antas, ang sintesis ay pagsasama ng dalawa o higit pang buod. Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.

  • Liban sa pagbibigay-tuon sa iba’t ibang kategorya at paghahanap sa pagkakatulad o pagkakaiba ng mga konseptong napapaloob dito, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng iba’t ibang mga akda upang makabuo ng isang akdang nakapag-uugnay sa nilalaman ng mga ito.​

  • Ito kung gayon ay isang sulating maayos at malinaw na nagdurugtong sa mga ideya mula sa maraming sangguniang ginagamit ang sariling pananalita ng sumulat (Warwick, 2011).​

3

May layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito. Sinusuportahan ang mga pananaw na ito ng mga makatotohanang impormasyon na hango Sa iba’t ibang mga sanggunian na nailahad sa paraang lohikal.

isang sulating naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay ipinaliliwanag ang paksa sa pamamagitan ng paghahatid sa paksa sa kanyang mga bahagi at inilalahad ito sa isang malinaw at maayos na pamamaraan.

Explanatory synthesis

​Anyo ng Sintesis

Argumentative Synthesis

4

MGA URI NG MAHUSAY SINTESIS

1.Background synthesis.

Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.

5

2. Thesis-driven synthesis. Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.

MGA URI NG MAHUSAY SINTESIS

6

3.Synthesis for the literature. Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw O pagrebyu sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa. Upang maipakita ang malawak na kaalaman sa paksa, kailangang magkaroon ng sintesis ng mga literaturang kaugnay ng pag-aaral ang isang papel pananaliksik.

MGA URI NG MAHUSAY SINTESIS

7

Katangian ng Sintesis

1. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t ibang estruktura ng pagpapahayag;

2. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga impormasyong nagmumula sa iba’t ibang sangguniang ginamit.

3. Napagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napalalalim nito ang pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay. Kung ang isinulat na sintesis ay kakikitaan ng mga katangiang ito, masasabing mahusay ang pagkakasulat nito.

8

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS

1. Linawin ang layunin sa pagsulat.

2. Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at basahin nang mabuti ang mga ito.​

3. ​Buuin ang tesis ng sulatin. Tiyakin ang tesis ng sintesis na gagawin. Ito ang pangunahing ideya ng isusulat.

4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin. Maghanda ng isang balangkas na susundan sa pagsulat ng sintesis.​

5. Isulat ang unang burador. Gamit ang napiling teknik, isulat ang unang burador ng sintesis.​

6. Ilista ang mga sanggunian. Gamit ang pormat na pinepreskrayb ng guro, ilista at ayusin ang mga ginamit na sanggunian.​

9

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS

7. Rebisahin ang sintesis. Basahing muli ang sintesis at tukuyin ang mga kahinaan nito.

8. Isulat ang pinal na sintesis. Mula rebisadong borador, maisusulat na ang pinal na sintesis.​

media

​Pagsulat ng Sintesis

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 9

SLIDE