

PINAGMULAN NG MGA UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS
Presentation
•
Other, Social Studies
•
4th - 5th Grade
•
Hard
Jingle Palor
FREE Resource
7 Slides • 0 Questions
1
PINAGMULAN NG MGA UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS

2
Ang Teoryang Austronesyano ay nagpapaliwanag kung sino ang unang tao na nakarating at nanirahan sa Pilipinas. Ayon kay Peter Bellwood, taong 5000 BC nang unang umalis mula Timog Tsina ang mga Austronesyano. Dumaan sila sa Taiwan bago bumaba sa Pilipinas at kumalat sa lahat ng direksiyon.
3
Naging batayan ni Peter Bellwood sa kaniyang teorya ang pagkakatulad ng wikang gamit ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko.
4
Isa pang teorya na may pagkakahawig sa teorya ni Peter Bellwood ay ang teorya ni Wilhelm Solheim II na "Nusantao Theory". Ayon sa kanya, nauna ng kumalat ang mga Austronesyano sa katimugang bahagi ng Pilipinas. Ang pakikipagkalakalan ang pangunahing dahilan ng kanilang pagpapalawak ng teritoryo.
5
May paniniwala naman ang mga Pilipino batay sa mitolohiya kung sino ang unang tao sa Pilipinas. Ayon sa kuwento, may isang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin. Mula sa malayo kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin. Kanyang pinuntahan at dumapo sa kawayan upang magpahinga.
6
May narinig siyang katok na nagmula sa loob ng kawayan. May tinig siyang narinig. "Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!" ang inaing. "Tuktuking ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga.
Naisip ng ibon na baka ito ay patibong. Maya-maya'y may butiking gumapang na paitaas sa kawayan. Palibhasa'y gutom, ito'y tinuka ngunit hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan. Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki at babaeng lumabas na tinawag na sina Malakas at Maganda.
7
Sina Malakas at Maganda ay dinala sa pulong luntian. Dito sa Pilipinas namuhay ang mag-asawang Malakas at Maganda ang ama't inang pinagmulan ng mga lahing kayumanggi.
Ang relihiyong Kristiyano at Islam ay ipinaliwanag sa Banal na kasulatan na nilikha ng Diyos o Allah ang unang lalaki na si Adan at unang babae na si Eba. Sila ang pinagmulan ng lahat ng lahi sa mundo.
PINAGMULAN NG MGA UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 7
SLIDE
Similar Resources on Wayground
3 questions
EPP4
Presentation
•
4th Grade
10 questions
Pangngalan
Presentation
•
5th Grade
6 questions
Sample Lesson
Presentation
•
3rd Grade
7 questions
Pagsulat gamit ang Malaking Titik, Tuldok at Kuwit
Presentation
•
3rd Grade
7 questions
MTB- MLE 3 LESSON Q1 WEEK 2
Presentation
•
3rd Grade
6 questions
Mga Kagamitan na Ginagamit sa Gawaing Elektrisidad
Presentation
•
5th Grade
6 questions
sumusuportang detalye
Presentation
•
4th Grade
7 questions
Kayarian ng Pangungusap
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade