

Ang Media sa Ating Makabagong Panahon
Presentation
•
Other
•
4th Grade
•
Easy
Edlyn Bacaro
Used 16+ times
FREE Resource
10 Slides • 3 Questions
1
Ang Media sa Ating Makabagong Panahon

2
Ang media ay isang mahalagang bahagi ng ating makabagong pamumuhay, katunayan, ang mga kabataang tulad mong isinilang sa kasalukuyan ay tinatawag ding mga iGeneration at maituturing na media babies dahil sa panahong ito.
3
Ang media ang laging nasa paligid at handang magamit 24/7 o sa halos bawat minuto ng ating buhay.
4
Ang media ay maaaring mauri sa sumusunod:
Print o Nakalimbag na Media- kabilang dito ang mga nakalimbag na diyaryo at mga magasin. Sa pagdating ng iba pang uri ng media ay nabawasan ang mga nagbabasa ng mga nakalimbag na media ngunit maraming tao ang patuloy pa ring bumibili at kumukuha ng impormasyon mula sa mga ito.
5
Broadcast Media- kabilang sa uring ito ang telebisyon at radyo. Ito ay maituturing na pinakapopular na media. Halos lahat kasi ng tao ay nakatutok sa mga ito upang makakuha ng mahahalagang impormasyon tulad ng balita o makapalibang sa pamamagitan ng panonood ng mga paboritong programa at drama sa telebisyon, o pakikinig ng musika sa radyo.
6
Internet- Sa kasalukuyang panahon ang internet ay napakahalagang bahagi na ng buhay ng maraming makabagong Pilipinong konektado rito. Sa halip na sa radyo o telebisyon lang ay sa internet na rin kumukuha ng pinakasariwang impormasyon o balita ang maraming tao dahil ang mga kilalang estasyon ng telebisyon, radyo, at may mga website kung saan laging updated ang mga impormasyon.
7
Batay sa mga nabasa mong uri o anyo ng media, alam mo na ngayong napakahalaga nga ng media sa buhay ng tao. Mula sa media ay makukuha naman natin ang iba't ibang kapakinabangang tulad ng sumusunod:
8
Nagbibigay ng Impormasyon- Marahil ito na ang pinakamahalagang gamit ng media sa tao. Ang impormasyong nagmumula sa media ay nagagamit sa maraming pagkakataon sa ating buhay at madalas ito ay nakapagliligtas pa ng buhay (halimbawa, kapag nalaman sa balitang may paparating na malakas na bagyo ay nagkakaroon ng preventive evacuation,
9
Nagiging Libangan- Marami ang nawwiwili sa media dahil sa aliw o sayang naibibigay nito
Nakapanghihikayat- Nagagamit ang media para mahikayat ang mga tao sa pagbili o pagtangkilik ng mga produkto (ito'y makikita sa mga patalastas o advertisement) gayundin sa pananaw na pinanigan ng iba tulad ng sa politika o kalakalan.
10
Ngayong naibahagi ko na sa inyo ang tungkol sa iba't ibang anyo ng media, sagutan ang mga tanong na nasa susunod na slides
11
Open Ended
Ano-ano ang mga uri o anyo ng media?
12
Open Ended
Bakit sa kabila ng kahalagahan ng mga ito ay dapat pa ring maging responsable ang mga tao sa paggamit ng mga ito?
13
Open Ended
Ano kaya ang mangyayari kung maghapon tayong nakaharap na lang sa iba't ibang uri ng media?
Ang Media sa Ating Makabagong Panahon

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 13
SLIDE
Similar Resources on Wayground
12 questions
Pang-abay na Pamanahon
Presentation
•
3rd Grade
7 questions
PINAGMULAN NG MGA UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS
Presentation
•
4th - 5th Grade
8 questions
MTB 3
Presentation
•
3rd Grade
9 questions
FILIPINO 5-WEEK 5
Presentation
•
5th Grade
8 questions
Berita Bohong atau Hoaks
Presentation
•
5th Grade
8 questions
PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA
Presentation
•
5th Grade
10 questions
6.05 Refraction
Presentation
•
4th Grade
10 questions
Ang Kahulugan at Kahalagahan ng Entrepreneurship
Presentation
•
4th - 5th Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade