

Pangungusap
Presentation
•
Other
•
4th Grade
•
Hard
Re Jhie
Used 11+ times
FREE Resource
9 Slides • 0 Questions
1
Pangungusap

2
Ano ang PANGUNGUSAP?
salita o lipon ng mga salitang may buong diwa. Sinisimulan sa malaking letra at nagtatapos sa isang bantas.
Halimbawa:
1. Masayang-masaya ang lahat.
2. Ako si Anthony.
3
PARIRALA
ay lipon ng mga salitang walang buong diwa.
Halimbawa:
1. ang guro
2. ayaw sumama
4
Sugnay
lipon ng mga salitang may simuno at panaguri subalit hindi buo ang diwa dahil sa pangatnig sa unahan nito. Ito ay bahagi lamang ng isang pangungusap. Ginagamit sa pagbuo ng sugnay ang mga pangatnig na kung, kapag, kaya, upang, para, dahil, sapagkat at nang
Halimbawa:
1. sapagkat mahiyain si Arnold
2. kaya kinausap siya ng guro
3. kung magbabago ang mag-aaral
5
Tukuyin ang mga sumusunod kung PARIRALA, SUGNAY o PANGUNGUSAP
1. Magulong-magulo na naman ang Mababang Paaralan ng San Miguel.
2. dahil inutusan siya ng guro
3. unang araw ng klase
4. Tama si Binibining Arca.
5. sa iba ko pang kamag-aral.
6. nakangiting lumapit
7. mabubuti at masasayang kaibigan
8.kasi ayaw mong sumama sa amin
9. Siya ay naging masaya na.
10. ang tinuran ng kanyang guro.
6
Mga Bahagi ng Pangungusap
1. Simuno o Paksa
= ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Ang salita/mga salitang pinag-uusapan ang PAYAK NA SIMUNO. Ang payak na simuno kasama ang mga panuring ang BUONG SIMUNO.
Halimbawa:
1. Ang matalik niyang kaibigan ay mabait.
kaibigan- ang payak na simuno
ang matalik niyang kaibigan- ang buong simuno
2. Sina Tess at Wina ay nasa ika-apat na baitang
Tess at Wina- ang payak na simuno
Sina Tess at Wina- ang buong simuno
7
Tukuyin ang PAYAK NA SIMUNO at BUONG SIMUNO sa pangungusap.
1. Mabilis na dinampot ni Christine ang telepono.
2. Siya ay laki sa layaw.
3. Hindi na magbabago ang aking pasya.
4. Sina Pamela, Liza at Jill ay mga kaibigan ni Christine.
5. Sa labas tayo maglaro.
8
2. Panaguri
= ang bahaging nagsasabi tungkol sa simuno.
= ang salitang ginagawa o naglalarawan sa simuno ang PAYAK NA PANAGURI
= Ang payak na panaguri kasama ang iba pang salita o panuring ang BUONG PANAGURI
Halimbawa:
1. Masasayang namunuhay sa pamayanan ang mga tao.
namunmuhay = payak na panaguri
masayang namumuhay sa pamayanan= buong panaguri
2. Si Myrna ay paulit-ulit na dumalaw at tumulong sa bahay ampunan.
9
Tukuyin ang PAYAK NA PANAGURI at BUONG PANAGURI sa pangungusap.
1. Pinakamariwasa sa paligid si Christine.
2. Ang mga kaibigan ay tuluyang lumayo kay Christine.
3. Ang tinig niya ay nanginginig.
4. Bigla niyang tinadyakan ang mga barahang nasa harapan niya.
5. Ang bata ay anak ng mahirap na balo.
Pangungusap

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 9
SLIDE
Similar Resources on Wayground
7 questions
FILIPINO 5 Q1-Performance 1
Presentation
•
5th Grade
6 questions
MTB-MLE 3 Q4 WEEK 2 LESSON
Presentation
•
3rd Grade
7 questions
AP 3 Q2 WEEK 3
Presentation
•
3rd Grade
7 questions
La petite truie, le vélo et la lune
Presentation
•
3rd Grade
6 questions
EPP 4 Pag-sort at Pag-filter
Presentation
•
4th Grade
8 questions
Pagsasalaysay Muli nang may Wastong Pagkakasunod-sunod ng Napakinggang Teksto gamit ang mga larawan, Signal Words at Pan
Presentation
•
4th Grade
8 questions
Filipino Lesson - Pang-Angkop
Presentation
•
4th Grade
8 questions
PAGBASA 2nd Quarter
Presentation
•
3rd Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade