

FILIPINO 8 KABANATA 3 Aralin 1b
Presentation
•
Education
•
8th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Maricho Barrit
Used 14+ times
FREE Resource
32 Slides • 0 Questions
1
FILIPINO 8
KABANATA 3
Aralin 1b

2
IBA’T IBANG ESTRATEHIYA NG PANGANGALAP
NG IMPORMASYON SA PAGSUSULAT NITO
3
Sa pagsusulat ng anumang babasahin, napakahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaaalaman hinggil sa paksa o isyung isusulat. Narito ang ilang paraan o estratehiya upang maging maayos at hitik sa impormasyon ang susulating popular na babasahin:
4
1. PAGBABASA AT PANANALIKSIK - Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro at iba pang mga materyales
5
2. OBSERBASYON -Magagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, pangyayari, at mga katangian na kaugnay ng paksa
6
3. PAKIKIPANAYAM O INTERBYU -Magagawa ito sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga taong malaki ang karanasan at awtoridad sa paksang hinahanapan ng impormasyon
7
4. PAGTATANONG O QUESTIONING -Magagawa ito sa pamamagitan ng paglalatag ng mga katanungang nais masagutan hinggil sa paksa
8
5. PAGSULAT NG JOURNAL -Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatala ng mga mahalagang pangyayari upang hindi makalimutan
9
6. BRAINSTORMING -Magagawa ito sa pamamagitan ng pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao
10
7. PAGSASARBEY -Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapasagot ng isang questionnaire sa isang grupo ng mga respondent
11
8. SOUNDING-OUT FRIENDS -Magagawa ito sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kaibigan, kapitbahay, o kasama sa trabaho para sa isang impormal na talakayan hinggil sa paksa
12
9. IMERSIYON -Magagawa ito sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa saril sa isang karanasan o pakikisalamuha sa isang grupo ng tao
13
10. PAG-EEKSPERIMENTO -Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng akda
14
Kasanayang Pangwika
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon
15
Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pkikipag-usap at pakikipagsulat sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa impormal na mga salita. Ang impormal na salita ay nauuri sa apat.
16
1. Lalawiganin (Provincialism)
Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang. Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigkas may kakaiba pang tono ito.
Hal. Tugang (Bikol), dako (Bisaya) ngarud (Ilokano)
17
2. Balbal (Slang)
Ang balbal o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.
Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o pinagdugtong na salita. Maari itong mahaba o maikling salita lamang.
18
Halimbawa:
parak, lespu (pulis) tiboli (tomboy)
iskapo (takas) epal (mapapel)
istokwa (layas) Praning (baliw)
erpat (ama) ermat (ina)
juding (binababae)
19
3. Kolokyal( Colloquial)
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita.
Salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.
20
Halimbawa:
Pormal Kolokyal
aywan ewan
piyesta pista
nasaan nasan
21
4. Banyaga
Ito ay salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikang banyaga. Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong pangmatematika, o mga salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino.
22
Palabuoan ng mga Salitang Balbal
23
Kung paano binubuo ang mga karaniwang salita, ang pagkalikha ng mga salitang balbal ay mayroon ding pinagmulan. Narito ang kategorisasyon ng mga salitang malimit nating marinig sa kasalukuyan di lamang sa kabataan
24
1. Hinango mula sa mga salitang katutuo
Halimbawa:
gurang (Bikol, Bisaya)- matanda
utol (Bisaya) – kapatid
buwang (Bisaya) luko-luko
pabarabarabay (Tagalog) paharang-harang
25
2. Hinango sa wikang Banyaga
Halimbawa:
tisoy, tisay (Espanyol: mestizo, mestiza) sisiw ( Ingles: chicks)
tsimay, tsimoy (Espanyol: muchacha,muchacho)
kosa ( Russia Mafia: Cosa Nostra)
26
3. Binaligtad (Inverted 0r Reversed Category)
Halimbawa
gat-bi –bigat = heavy burden
astig -- tigas = strong/ influential
tsikot – kotse =car
lispu – pulis = policeman
27
4. Nilikha (Coined Words)
Halimbawa
paeklat – maarte = overacting
espi – esposo = husband
hanep – papuri = praise/ appreciation
28
5. Pinaghalo-halo ( Mixed Category)
Halimbawa:
kilig to the bones – paghanga = crush
in-na-in –naayon/uso =following the trends
29
6. Iningles (Englisized Category)
Halimbawa
weird – pambihira = rare/unusual
bad trip – kawalng pag-asa = hopeless/fryes, yes, yoo – totoo = approved
30
7. Dinaglat(Abbreviated Category)
Halimbawa
KSP – kulang Sa Pansin
SMB – Style Mo Bulok
JAPAN – Just Always Pray At Night
31
8. Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng Isang Bagay
Halimbawa
yoyo – (dahil ang relo ay hugis yoyo)
boga – (dahil ang baril ay parang bumubuga)
basag, durog – (dahil nawawala sa sariling isip kapag nakadroga)
32
Maraming salamat po
FILIPINO 8
KABANATA 3
Aralin 1b

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 32
SLIDE
Similar Resources on Wayground
21 questions
FILIPINO 8 Aralin 6
Presentation
•
8th Grade
25 questions
Presentasi Interaktif Quizizz
Presentation
•
KG
28 questions
Budowa i działanie sieci komputerowej 2
Presentation
•
7th Grade
24 questions
IBONG ADARNA ARALIN 7
Presentation
•
7th Grade
24 questions
FLORANTE AT LAURA (Kabanata 8-14)
Presentation
•
8th Grade
26 questions
Space Missions
Presentation
•
8th - 9th Grade
30 questions
Heograpiya ng daigdig
Presentation
•
8th Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade