
Pagbibigay ng Pamagat sa Tektso
Authored by Nick Orlanda
World Languages
4th Grade
Used 128+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
5 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
5 mins • 1 pt
ANO ANG ANGKOP NA PAMAGAT SA TEKSTO:
Si Jerred, mag-aaral sa ikaapat na baitang ay kahanga-hanga dahil sa taglay niyang mabuting pag-uugali. Kinagigiliwan siya ng mga tao sa paligid dahil hindi niya nakakalimutang magmano at sabihin ang "po" at "opo" sa pakikipag-usap. Mahal na mahal siya ng kaniyang mga magulang at guro dahil sa kanyang kasipagan. Nag-aaral siya nang mabuti kaya naman ay lagi siyang nangunguna sa klase. Siya rin ay mapagbigay at maalaga kaya't marami siyang kaibigan.
Jerred: Ang Mabuting Bata
Ang Mag-aaral
Ang Masipag na Bata
Ang Pamilya ni Jerred
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
3 mins • 1 pt
ANO ANG ANGKOP NA PAMAGAT SA TEKSTO:
Maaga akong nagising dahil sa maingay na kahol ng mga aso. Nagdasal ako nang taimtim upang humingi ng gabay sa buong araw. Inayos ko ang aking higaan kaya't malinis at maayos na ito. Naghanda na ako ng aking almusal dahil tulog pa si Nanay. Pagkatapos maligo at kumain, naglakad na ako papunta sa paaralan. Ako ang pinakaunang dumating sa aming silid kaya kinuha ko ang walis upang maglinis.
Walang Pasok
Paghahanda sa Pagpasok sa Paaralan
Pagliban sa Klase
Ang Aking Paaralan
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
3 mins • 1 pt
ANO ANG ANGKOP NA PAMAGAT SA TEKSTO:
Ang Sampaguita ay kilala bilang pambansang bulaklak nating mga Pilipino. Ito ay napakabango. Puti ang kulay nito na sumisimbulo ng kalinisan at busilak na puso. Ang Sampaguita ay sumisimbulo rin sa simpleng pamumuhay nating mga Pilipino.
Ang Sampaguita
Ang Puting Bulaklak
Ang mga Gamit ng Sampaguita
Ang Bulaklak
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
3 mins • 1 pt
ANO ANG ANGKOP NA PAMAGAT SA TEKSTO:
Mahilig mangolekta ng mga basurang puwede pang mapakinabangan si Alice dahil naniniwala siyang maaari itong pagkakitaan. Araw-araw niya itong ginagawa kaya nakakaipon siya ng maraming basura. Tuwing Linggo, siya ay pumupunta sa junkshop ni Mang Mark upang ipagbili ang kaniyang mga nakolekta. Tunay ngang may kita sa basura.
Maruming Basura
Ang Junkshop
May Kita sa Basura
Tuwing Linggo
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
5 mins • 1 pt
ANO ANG ANGKOP NA PAMAGAT SA TEKSTO:
Si Simeon Ola ay isang bayani ng himagsikang Pilipino. Siya ay rebolusyonaryong Bicolano noong panahon ng mga Amerikano. Ipinanganak siya sa Guinobatan, Albay. Siya ang pinakahuling Pilipinong heneral na sumuko sa laban sa hukbong Amerikano.
Himagsikang Pilipino
Bicolano Ako
Rebolusyon
Simeon Ola: Ang Huling Heneral
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Microsoft
or continue with
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?