
DAY 1 - PRETEST
Authored by Necille Garanganao
Social Studies
10th Grade
Used 15+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
5 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
1.Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
Lipunan
Bansa
Komunidad
Organisasyon
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
2.Ano ang ipinakikita sa larawan na may pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
Paniniwala
Pagpapahalaga
Norms
Simbulo
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
2 mins • 1 pt
Basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan. ---- “Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na isyung panlipunan.” 3. Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?
Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.
Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.
Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan.
Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
2 mins • 1 pt
Basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan (2015). ---- Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit na ng ating pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo habang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot harapin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan. Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pagasa ng hinaharap. 4. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?
Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan
Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad
Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
5. Tungkulin nitong mapanatili ang kaayusan at kapayapaan, pagsusulong ng mga programang pangkaunlaran at pangangalaga sa estado at mamamayan.
Ekonomiya
Organisasyon
Pamilya
Pamahalaan
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Microsoft
or continue with
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?