Search Header Logo
KPWKP_q2_mod15_Pag-uugnay ng mga Ideya_v2

KPWKP_q2_mod15_Pag-uugnay ng mga Ideya_v2

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 3+ times

FREE Resource

18 Slides • 39 Questions

1

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Ika lawang Markahan Modyul 1 5: Pag-uugnay ng mga Ideya

2

Alamin

Kasanayang Pampagkatuto:

Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya ng isang sulatin (F11WG-IIh-89)

3

Layunin:

• Nagagamit ang mga angkop na mga salita sa pag-uugnay-ugnay ng ideya sa isang sulatin.

• Nakabubuo ng pangungusap na gumagamit ng mga salita sa paguugnay-ugnay ng ideya sa isang sulatin.

• Napapahalagahan ang mga salitang ginagamit sa pag-uugnayugnay ng ideya sa pagsulat ng sulatin.

4

Subukin

Punan ng wastong pang-ugnay ang sumusunod na pangungusap upang makabuo ng isang tiyak na ideya. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

5

Multiple Choice

Question image

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may maayos at magkakaugnay ang ideya?

1

kung kaya takot ang bumalot sa lahat ng mga sakay nito sa lakas ng daluyong ng alon sanhi ng malakas na bagyo, halos lumubog ang barko.

2

sa lakas ng daluyong ng alon sanhi ng malakas na bagyo, halos lumubog ang barko, kung kaya takot ang bumalot sa lahat ng mga sakay nito

3

halos lumubog ang barko sa lakas ng daluyong ng alon sanhi ng malakas na bagyo kung kaya takot ang bumalot sa lahat ng mga sakay nito

4

halos lumubog ang barko kung kaya takot ang bumalot sa lahat ng mga sakay nito

6

Multiple Choice

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na mas madali para sa nakararami ang paggamit ng wikang Filipino, at dito sila bihasa kung ihahambing natin sa iba. ________________, itoy makapagpapagaang unawain ng mga kalahok ang mga katanungang ibabato ng mga mananaliksik.

1

Ating

2

Dito

3

Natin

4

Dagdag pa rito

7

Multiple Choice

Ito marahil ang magiging dahilan ____________ dumami pa ang magsasagawa ng mga pag-aaral.

1

ito

2

dahilan

3

upang

4

marahil

8

Multiple Choice

______________dating Pangulong Ramon Magsaysay “Huwag ikahiya ang ating wika sapagkat ito ang diwa ng ating bansa”.

1

Ayon kay

2

Huwag

3

Upang

4

Sapagkat

9

Multiple Choice

_______________si dating Pangulong Elpidio Quirino ay nagpahayag ng ganito: “Kailangang gumawa ng mahigpit na pagsisikap upang mapadali ang pagpapalaganap ng ating wika.”

1

Bukod pa rito

2

Ganito

3

Upang

4

Ating

10

Multiple Choice

Ang suporta sa mga atletang Pilipino ay dapat ibinibigay bago pa man sumabak sa laban at hindi lamang ibinibigay kapag nanalo na, ___________ maraming medalya ang maiuuwi nila at karangalan ng ating bayan.

1

upang

2

marahil

3

ang

4

ating

11

Multiple Choice

Bilang isang Republika, dapat tayong magkaroon hindi lamang ng isang bansa at isang watawat kundi _____________ng isang wika”.

1

bilang

2

tayong

3

at

4

gayundin

12

Multiple Choice

________________, ang Filipino ay wikang magagamit natin sa pagpapaunlad. Ito’y makabuluhan at kapaki-pakinabang. Maging mulat tayo at huwag maging mangmang sa kung ano ang talagang atin.

1

Bilang pangwakas

2

At

3

Marahil

4

Subalit

13

Multiple Choice

Tukuyin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi kaugnay ang ideya sa paksang pinag-uusapan.

1

Ang Caracol ay salitang Kastila na ang ibig sabihin ay lakad-kuhol (snail-like-pace) sa kadahilanang, may kabagalan ng lakad ang prusisyong ito. Dahil nga sa ang Rosario ay malapit sa karagatan, ang sinaunang Karakol ay nahahati sa dalawang bahagi.

2

Umalis ang mga manlalayag, iwan ang pamanang tradisyon- ang kapistahan ng nasabing patron.

3

Una, ang Karakol del Mar at ang Karakol dela Tierra. Ang Karakol del Mar ay Karakol sa dagat o fluvial procession. Nakagayak ng mga bulaklak ang andas ng patron at ilalagay sa malaking bangkang pangisda saka inililibot sa dagat.

4

Pangalawa ay ang Karakol dela Tierra o karakol sa lupa. Isinasagawa ito pagkatapos ng karakol sa dagat. Pagsapit sa dalampasigan, ililipat ang andas pagkatapos ay papasanin ng mga deboto (karaniwa’y mga lalaki). Sa saliw pa rin ng musika tulad ng Pandanggo, pasayaw na ipo-prusisyon ang patron papuntang simbahan.

14

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang magkakaugnay na pahayag ukol sa paksa?I. Ang COVID-19 ay isang uri ng sakit na nakamamatay. Lubhang mapanganib ang sakit na ito. Marami ang binawian ng buhay, napalayo sa pamilya, at maraming bagay ang hindi na nagagawa tulad ng dati.

II. Hindi na tayo nakatutungo sa bahay-panambahan upang magpasalamat, humiling at magpuri sa Panginoon dahil sa virus na ito.III. Masaya ang mga batang naghahabulan sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. May bata, dalaga’t binata at kahit matatanda. Sabik na sabik ang bawat isa bunga na rin siguro ng mainit na panahon.

IV. Maging ang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral ay hindi na natuloy dahil sa pandemya.

1

I, II, III

2

II, III, IV

3

III, IV, I

4

I, II, IV

15

Multiple Choice

Question image

Pag-ugnay-ugnayin ang mga pangungusap upang makabuo ng isang talatang magkakaugnay ang ideya.

1

I, II, III, IV

2

II, I, IV, III

3

IV, III, II, I

4

II, I, III, IV

16

Multiple Choice

Dahil ang wika ay buhay _________ patuloy itong nililinang at dumadaan sa pagbabago.

1

kaya

2

kapag

3

ngunit

4

sapagkat

17

Multiple Choice

Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay tumutugon sa pangangailangan ng kapwa Pilipino. ___________________ ang makikinabang ay kapwa Pilipino.

1

Kapag

2

Ngunit

3

Sapagkat

4

Samakatuwid

18

Multiple Choice

Ang aktuwal na pagsagot o pagpapahayag ng iyong ideya o kaisipan sa iyong guro sa harap ng mga kaklase ay isang napakagandang karanasan, ________________ dahil sa COVID-19 hindi na natin mararanasan ang ganoon.

1

subalit

2

marahil

3

bunga nito

4

kung kaya

19

Multiple Choice

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwento upang makabuo nang maayos na daloy ng ideya o kaisipan.

I. Sa paglipas ng panahon, ang masayang pagdiriwang na ito, ay nakagawian na rin ng iba’t-ibang bayan sa Cavite bilang pagpupugay na rin sa patron ng kanilang lugar. Tradisyong lumawak pa at ngayo’y isa na ring aktibidad ng kapistahan sa iba’t-ibang lugar sa mga karatig probinsiya.

II. Lahat sila’y ligtas na nakarating sa baybayin. Nakadaong sila sa dalampasigan ng Mojon (ngayon ay Muzon) isang sitio na noo’y baryo pa lamang na Salinas-Marsella. Hindi nagtagal, nagpatayo nga ng maliit na kapilya ang mga sakay ng nasabing bangka nang may pasasalamat at tuwa sa kanilang puso. Inihabilin nila ang imahe ng mahal na birhen sa mga taga- Mojon. Umalis ang mga tripulante na naiwan ang pamanang tradisyon- ang kapistahan ng nasabing patron.

III. Isang gabi, isang malakas na bagyo ang tumama sa Kamaynilaan at karatig probinsiya nito na nag-iwan ng pagkasawi ng mga buhay at pagkasira ng mga ari- arian. Sa lakas ng daluyong nang naglalakihang alon sanhi ng bagyo, halos lumubog ang bangka at takot ang bumalot sa lahat ng mga sakay nito. Hanggang sa napansin nila ang isang larawan ng Birhen ng Sto. Rosario. Dito sila taimtim na nanalangin at nangako na kung ililigtas sila at bibigyan pa ng pagkakataong mabuhay, ay patatayuan nila ito ng kapilya bilang papuri at pasasalamat sa oras na makaahon sila sa dagat. At dininig umano ng birhen ang kanilang panalangin.

IV. Ayon sa kwento, noong panahon, isa sa mga pangunahing uri ng transportasyon ay ang pagbabangka. Ito ang paraan sa paghahatid ng mga kalakal ng mga mamamayan mula Cavite hanggang Manila Bay sa Maynila.

1

I, II, III, IV

2

IV, III, II, I

3

IV, II, I, III

4

III, IV, II, I

20

Multiple Choice

Pag-ugnayin ang mga pangungusap upang makabuo nang maayos at organisadong talata.

I. Pakuluin lang at pwede nang ihain ang classic adobong baboy.

II. Una, i-marinade ang karne ng baboy sa pinaghaluhalong toyo, bawang, sibuyas, at paminta sa loob ng 30 minuto o higit pa.

III. Kapag lumambot na ang karne, dagdagan ng tubig at toyo kung nais mong may sabaw. Lagyan ng suka, asin at asukal. Depende ang dami sa iyong panlasa.

IV. Isalang ang magkahalong karne ng baboy, toyo, bawang, sibuyas at paminta. Lutuin sa mahinang apoy hanggang sa lumambot ang karne.

1

II, I, IV, III

2

1V, III, II, I

3

I, IV, II, III

4

II, IV, III, I

21

Balikan

Mahalaga na magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa pag-uugnay ng mga ideya o kaisipan upang makabuo ng isang maayos at organisadong pahayag. Dahil dito, pag-ugnay-ugnayin ang mga salita na nakatala sa pamamagitan ng pagbuo ng talata.

22

Open Ended

Mga salita kaugnay ng paksa:

new normal, kinabukasan, pangarap, face-to-face, internet, wifi, online, modyul, COVID-19, pandemya, magulang, kaibigan, guro, laptop, cellphone, sabon, alcohol, face mask, ZOOM, messenger, disiplina at tagumpay

Mga pang-ugnay:

samakatuwid, sapagkat, ngunit, dahil, upang, kung gayon, bunga nito, una, pagkatapos, bilang pangwakas

23

Open Ended

Question image

Tuklasin

Basahin ang sumusunod na pangungusap na nakakahon. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. May kabuoang limang puntos kapag nasagot ang tatlong tanong sa ibaba.

a. Paano ginamit ang mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap?

24

Open Ended

Question image

Tuklasin

Basahin ang sumusunod na pangungusap na nakakahon. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. May kabuoang limang puntos kapag nasagot ang tatlong tanong sa ibaba.

b. Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit upang pag-ugnayin ang ideya o kaisipan sa isang pangungusap o talata?

25

Open Ended

Question image

Tuklasin

Basahin ang sumusunod na pangungusap na nakakahon. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. May kabuoang limang puntos kapag nasagot ang tatlong tanong sa ibaba.

c. Paano ito nakatutulong sa pagsulat ng isang sulatin o pananaliksik?

26

Suriin

Basahin at suriin ang teksto. Pansinin kung paano ginamit ang mga salitang may salungguhit sa teksto. Sagutin ang mga katanungan. Bawat nbilang ay may katumbas na tatlong puntos sa tamang sagot.

27

Karakol

Ang Lungsod ng Heneral Trias sa Cavite ay mayaman sa mga pagdiriwang. Isa na rito ang Karakol.

Ang karakol ay isang prusisyon, isang pagpupugay sa mahal na patron na si Nuestra Señora Virgen del Santissimo Rosario, Reina de Caracol. Masaya ito dahil ang mga kalahok dito ay sumasayaw sa saliw ng naglalakasan at masayang tugtugin. May mga banda pa mula sa iba’t ibang lugar.

Alamin natin kung ano ang pinag-ugatan ng pagdiriwang at tradisyon na ito.

28

Noong unang panahon, isang gabi, isang malakas na bagyo ang tumama sa Kamaynilaan at karatig probinsiya nito na nag-iwan ng pagkasawi ng buhay at pagkasira ng mga ari-arian. Hindi mabilang na manlalayag ang naabutan ng bagyo sa laot. Isa sa mga bangka ay galing Mindoro na may lulang mga kargamento. Sa lakas ng daluyong nang naglalakihang alon sanhi nang malakas na bagyo, halos lumubog ang bangka, kung kaya takot ang bumalot sa lahat ng mga sakay nito. Itinali nila ang kanilang mga sarili sa bangka para hindi umano sila anurin kung saan. Ang namumuno sa kanila’y pumunta sa cabin para tingnan kung ano ang kargamentong maari nilang maisalba. Hanggang sa napansin nito ang isang larawan ng Birhen ng Sto. Rosario. Nagbigay ito sa kanila ng pag-asa. Dito sila taimtim na nanalangin at nangako na kung ililigtas sila at mabigyan ng pagkakataong mabuhay pa ay patatayuan nila ito ng kapilya bilang papuri at pasasalamat sa oras na makaahon sila sa dagat.

29

Dininig ng Birhen ang kaniyang panalangin. Lahat sila’y ligtas na nakarating sa baybayin. Nakadaong sila sa dalampasigan ng Mojon (ngayon ay Muzon) isang sitio sa noo’y baryo pa lamang na Salinas-Marsella. Bunga nito, nagpatayo nga ng maliit na kapilya ang mga sakay ng nasabing bangka nang may pasasalamat at tuwa sa kanilang puso. Inihabilin nila ang imahe ng mahal na birhen sa mga taga-Mojon. Umalis ang mga manlalayag na naiwan ang pamanang tradisyon, ang kapistahan ng nasabing patron.

30

Sa paglipas ng panahon, ang masayang pagdiriwang na ito, ay nakagawian na rin ng iba’t-ibang bayan sa Cavite at isa na rito ang Lungsod ng Heneral Trias, bilang pagpupugay sa patron ng kanilang lugar. Samakatuwid, ang tradisyong ito ay lumawak pa at ngayo’y isa na ring aktibidad ng kapistahan sa iba’t-ibang lugar sa mga karatig probinsiya.

31

Open Ended

Tungkol saan ang tekstong binasa?

32

Open Ended

Ano ang gampanin ng mga salitang may salungguhit?

33

Open Ended

Ano kaya ang maaaring mangyari sa daloy ng ideya sa teksto kung wala ang mga salitang may salungguhit?

34

Pagyamanin

Basahin ang mga pangungusap sa Hanay A. Piliin ang tamang sagot sa Hanay B upang makabuo ng pangungusap gamit ang angkop na pang-ugnay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

35

Match

Basahin ang mga pangungusap sa Hanay A. Piliin ang tamang sagot sa Hanay B upang makabuo ng pangungusap gamit ang angkop na pang-ugnay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kultura ang humuhubog sa isang lipunan _______ dapat na pahalagahan ito.

Ito ang gagawan ng pag-aaral ________ nangangailangan ito ng maraming kasagutan.

Mahalagang itala ang mga sanggunian _______ hindi na makaabala sa pag-aaral.

Sa suliraning gagawan ng pag-aaral _________ na lutasin ang mga dapat gawin upang mabigyan ng angkop na rekomendasyon.

Isang rekomendasyon ng pag-aaral na gawin pang mas malakas ang pag-aaral _______ magiging mas makatotohanan ito.

kaya

upang

dapat

upang

sapagkat

36

Isaisip

Mahalagang magkakaugnay ang mga ideya sa pananaliksik upang maayos ang daloy ng mga kaisipan at mga salita sa bawat pangungusap, talata at sa lahat ng bahagi ng pananaliksik.

37

Angkop na mga Salita sa Pag-uugnay-ugnay ng mga Ideya

Tinatawag na kaisipan sa nililinang na talata ang ideya. Inilalahad ng ideya ang pangunahing kaisipan na layong ihatid ng sulatin. Sa puntong ito, kailangang pag-ugnayin ang mga kaisipan o sariling pag-unawa sa teksto upang mabuo ito at ang makatutulong dito ang paggamit ng angkop na mga salita.

38

Angkop na mga Salita sa Pag-uugnay-ugnay ng mga Ideya

Maaaring gumamit ng mga pang-ugnay na salita tulad ng sapagkat, at, kung gayon, samakatuwid at iba pang mga cohesive devices.

Sa pag-uugnay ng mga ideya sa literatura at pagpapaliwanag sa daloy at resulta ng pananaliksik madalas ginagamit ang ayon sa/kay, batay sa/kay, sinabi ni, dahil dito, bunga nito, resulta nito, at iba pa.

39

Isagawa

Bilang paglalahat, dugtungan mo ang mga pangungusap. Piliin ang tamang sagot mula sa loob ng ibabang kahon at isulat sa sagutang papel.

40

Drag and Drop

Natutunan ko ang ibat-ibang angkop na mga salita at pangungusap

(1)​ ​
mapag-ugnay-ugnay ang mga salita. Nalaman ko rin na tinatawag na kaisipan sa nalilinang na talata ang (2)​
. Inilalahad naman ng ideya ang (3)​
na layong ihatid ng sulatin.

Sa puntong ito, kinakailangang (4)​ ​
ang mga kaisipan o sariling pag-unawa sa teksto upang mabuo ito. Maaaring gumamit ng mga pang -ugnay na (5)​ ​
, ngunit, at ,kung gayon, samakatuwid atbp.
Drag these tiles and drop them in the correct blank above
upang
ideya
pangunahing kaisipan
pag-ugnayin
sapagkat

41

Tayahin

Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

42

Karagdagang Gawain

Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul na ito. Dahil dito, gusto kong maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo ang aktuwal na pagsulat ng pananaliksik. Maghanda ng pamagat o titulo ng iyong isasagawang pananaliksik na tumatalakay sa wika at kulturang Pilipino.

43

Multiple Choice

Question image

Tukuyin sa mga sumusunod na pangungusap ang magkakaugnay ang ideya sa paksang pinag-uusapan.

1

I, II, III

2

II, III, IV

3

III, IV, I

4

IV, I, II

44

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang di-kaugnay na pahayag ukol sa paksa?

1

Ang COVID-19 ay isang uri ng sakit na nakamamatay. Lubhang mapanganib ang sakit na ito. Marami ang binawian ng buhay, napalayo sa pamilya, at maraming bagay ang hindi na nagagawa tulad ng dati.

2

Hindi na tayo nakatutungo sa bahay-panambahan upang magpasalamat, humiling at magpuri sa Panginoon dahil sa virus na ito.

3

Masaya ang mga batang naghahabulan sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. May bata, dalaga’t binata at kahit matatanda. Sabik na sabik ang bawat isa bunga na rin siguro ng mainit na panahon.

4

Maging ang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral ay hindi na natuloy dahil sa pandemya.

45

Multiple Choice

Tukuyin sa hanay ng mga salita ang magkakaugnay para sa isang paksa.

1

kape, asukal, pandesal, face mask at face shield

2

doctor, nurse, oxygen, reseta, ambulance, lugaw at itlog

3

ECQ, GCQ, MECQ, Quarantine, at walang lalabas

4

bakuna, register, pila, pahinga, prutas at vitamins

46

Multiple Choice

Question image

Alin ang totoo tungkol sa pag-uugnay-ugnay ng ideya?

1

I,II,II

2

II, III, IV

3

III, IV,I

4

IV,III, II

47

Multiple Choice

Maaaring gumamit ng mga ________ upang mapagdugtong-dugtong ang mga ideya

1

Pandiwa

2

Panghalip

3

Pang-ugnay

4

Pag-angkop

48

Multiple Choice

Ang paggamit, pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Wikang Filipino ay nakasaad sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6____________ito ay naaayon sa batas.

1

ngunit

2

sapagkat

3

kung gayon

4

subalit

49

Multiple Choice

Hindi makatarungan at patas ang pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo_____________________pinapatay nito ang Panitikang Pilipino.

1

Marahil

2

sapagkat

3

ayon dito

4

samakatuwid

50

Multiple Choice

______________ dating Pangulong Ramon Magsaysay “Huwag ikahiya ang ating wika sapagkat ito ang diwa ng ating bansa”.

1

Ayon kay

2

Huwag

3

Ating

4

Sapagkat

51

Multiple Choice

Ang tangi mong magagawa __________________maging bayani at dakila sa iyong henerasyon ay isalba ang buhay ng sangkatauhan mula sa COVID-19 sa pamamagitan ng pananatili sa loob ng iyong tahanan. Magkaroon ng malasakit sa sarili, sa iyong mahal sa buhay at sa kapwa-tao.

1

subalit

2

ngunit

3

upang

4

sa lalaong baga’y

52

Multiple Choice

__________________Jocson (2016), malalaman ang mga angkop na salitang gagamitin kung kaugnay ito ng paksang gagawan ng pananaliksik at kung nagpapakilala ito ng pangangailangan sa bawat bahagi nito. Maaaring gumamit din ng mga pang-ugnay na salita tulad ng sapagkat, at, kung gayon, samakatuwid at iba pa.

1

Subalit

2

Datapuwat

3

Kung gayon

4

Batay kay

53

Multiple Choice

Wala namang batas o kautusang nagtatakda sa kung anong wika ang gagamitin sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos. Ano mang wika ang gamit basta’t ito’y hindi lumilihis sa tunay na konteksto at kahulugan, hindi naman ito makapagpapabago sa tunay na kalagayan ng iyong paniniwala at pananampalataya. _______________ang paggamit ng Taglish sa Bibliyang New Testament ay walang nilalabag sa aspetong moral man o legal.

1

Kung gayon

2

Subalit

3

Marahil

4

Datapuwat

54

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay na pahayag ukol sa paksa?

1

Ang panalo ni Hidilyn Diaz ay panalo ng buong sambayanang Pilipino.

2

Ang pagbibigay ng suporta sa mga atletang Pilipino ay higit na makatutulong sa pagkamit ng maraming medalya ng ating bansa.

3

Panahon na naman ng pangangampanya para sa nalalapit na halalan kung kaya nauuso na naman ang siraan at bangayan.

4

Ang pagbibigay ng tulong sa mga atleta ay dapat isinasagawa bago pa siya lumaban at hindi lamang kapag nanalo na.

55

Multiple Choice

Hindi mo kinakailangang humawak ng tabak o baril _______ makipaglaban para lamang matawag na bayani at dakila. Hindi mo kailangang makibaka sa pamamagitan ng panulat o nobela para puksain ang kalaban.

1

upang

2

marahil

3

subalit

4

sapagkat

56

Multiple Choice

Question image

Pagsunod-sunurin ang pangungusap sa kahon upang makabuo ng isang talata na magkakaugnay ang ideya.

1

I, IV, III, II

2

I, II, III, IV

3

IV, III, II, I

4

I, IV, II, III

57

Karagdagang Gawain

Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul na ito. Dahil dito, gusto kong maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo ang aktuwal na pagsulat ng pananaliksik. Maghanda ng pamagat o titulo ng iyong isasagawang pananaliksik na tumatalakay sa wika at kulturang Pilipino.

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Ika lawang Markahan Modyul 1 5: Pag-uugnay ng mga Ideya

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 57

SLIDE