

KPWKP_q2_mod13_Pagsusuri sa Pananaliksik_v2
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Practice Problem
•
Medium
Edgar Monte
Used 2+ times
FREE Resource
24 Slides • 38 Questions
1
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan
Modyul 13:
Pagsusuri sa Pananaliksik
2
Alamin
Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB-IIg-97)
3
Layunin:
• Nasusuri ang isang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika.
• Nakapagpapahayag ng damdamin o saloobin ukol sa pagsusuri ng pananaliksik.
• Nakasusulat ng mga pagsusuri sa ilang bahagi ng pananaliksik gamit ang mga gabay na tanong.
4
Subukin
Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Sagutin ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
5
Multiple Choice
Bigyang pagsusuri ang pahayag mula sa literatura ng isang pananaliksik. Ano ang layunin ng may akda kung kaya’t isinagawa niya ang pananaliksik na ito?
Malaman kung epektibo ba ang pagsasalin sa Taglish ng mga pahayag sa Pinoy NT.
Malaman kung nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mambabasa nito.
Malaman kung nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino lalo na sa pananampalataya nito.
Malaman kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) para sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don Luis Ababa Senior High School ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy New Testament.
6
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang di-wasto tungkol sa pagsusuri ng isang pananaliksik?
Dapat ang layunin ng pananaliksik ay batay sa suliraning inilahad sa bahagi ng Paglalahad ng Suliranin.
Suriin at husgahan kung nakamit ba ng may akda ang kanyang layunin sa pagsasagawa ng pananaliksik
Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga sa gawa ng ibang tao.
Samakatuwid ginagawa ang pangongopya ng ideya at gawa ng iba.
7
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa rekomendasyon ng may akda batay sa kinalabasan ng pananaliksik?
Lumabas sa pag-aaral na ang Pinoy New Testament na gumagamit ng Taglish ay “lubos na epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean na nangangahulugang tanggap o swak sa mga kalahok ang pagsasalin nito.
Ang Pinoy NT ay “lubos na nakawiwili at nakapupukaw” ng pansin sa mga kabataang mambabasa dahil sa 3.52 weighted mean na naitala.
Iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may Taglish na pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga kabataang Pilipino.
Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng kuwantitabo sapagkat sinukat ang saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa pamamagitan ng estatistikal na pamamaraang weighted mean.
8
Multiple Choice
Alin ang di-wastong pahayag ukol sa paggamit ng salita sa pagsasagawa ng kritikal na pagsusuri ng pananaliksik?
Gumagamit ng paghahatol at pagbibigay ng opinyon.
Kailangan ang wasto at maayos na gamit ng kritikal na mga salita.
Ipinapahayag ang matinding damdamin ng pagsang-ayon at di pagsang-ayon.
Kung may negatibong ibig ipahayag, gawin ito nang walang pag-aalinlangan sapagkat makabubuti ito sa isinasagawang pagsusuri.
9
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod na pananaliksik ang pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino?
Negosyo: Lulubog, Lilitaw
Karakol: Susulong o Uurong
Sipnayan: Hamon sa Malinaw na Kinabukasan
COVID-19: Tulay sa Pagkakabuklod-buklod ng Pamilyang Pilipino
10
Multiple Choice
Mula sa pamagat ng pananaliksik na Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New Testament?, masasalamin ba ang kulturang Pilipino?
Oo, sapagkat ang paggamit ng wikang Taglish ay hindi bahagi ng ating kultura.
Oo, sapagkat ang paggamit ng Pinoy New Testament ay nagpapakita ng pananampalataya.
Hindi, sapagkat ang wikang Taglish at Pinoy New Testament ay walang kaugnayan sa isa’t –isa.
Hindi, sapagkat ang Pinoy New Testament na gumagamit ng Taglish ay hindi tanggap.
11
Multiple Choice
Bilang bahagi ng pagsusuri sa mga saliksik na may kaugnayan sa wika at kulturang Pilipino, dapat bang alamin ng tagapagsuri kung nakapaloob sa paksa o sa bahaging Paglalahad ng Suliranin ang gawi, paniniwala, hilig, kasuotan, wika, maging ang mga pagdiriwang ng mga tao sa isang lugar?
oo
hindi
maaaring oo, maaaring hindi
walang maaaring kasagutan
12
Multiple Choice
Hindi na maaaring suriin pa ang metodolohiya o paraan ng pangangalap at pagsusuri ng datos.
tama
mali
maaaring oo, maaaring hindi
walang maaaring kasagutan
13
Multiple Choice
Hindi na rin titingnan pa ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi ng pananaliksik sapagkat nagsusuri ka lamang. Tama ba o mali ang pahayag?
tama, sapagkat nagsusuri ka lamang
walang tamang sagot na nailahad
mali, hindi kailangan ang pagkakaugnay-ugnay
mali, dapat tinitiyak ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi
14
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod na lagom ng pananaliksik nina Baldon ang tumutugon sa paksang “Filipino, Wika ng Makabagong Panahon”?
Mas malinaw na komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan pang mas mapa-unlad ang wikang Filipino
Mas uunlad ang ekonomiya sa pag-unlad ng ating wika.
Karamihan sa mga respondente ay naniniwala na teknolohiya ang pangunahing salik sa pagbabago ng wika, sa pag-usad ng panahon kasabay din ang pag-unlad ng wika.
Ang wikang Filipino ang pangunahing wika na ginagamit sa simbahan, palengke at pampublikong lugar
15
Multiple Choice
Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa pananaliksik na ito, Kalipunan ng mga Salita na Ginagamit sa social media?
paggamit ng salita sa isang lugar
paggamit ng kalipunan ng mga salita
paggamit ng salita mula sa social media
pag-iipon ng mga salita mula sa social media
16
Multiple Choice
Alin ang maling pagsusuri mula sa Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral?
I. Ang Layunin ay tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral
II. Ang Layunin ay hindi tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral
III. Mahirap matamo ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Masusukat ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
I at IV
II at III
I at III
II at IV
17
Multiple Choice
Alin ang wastong pahayag tungkol sa bahaging Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral?
I at IV
II at III
I at III
I, III, at IV
18
Multiple Choice
Aling pahayag ang tugma sa iyong pagsusuri sa bahaging ito ng pananaliksik?
I at III
II at IV
I, III at III
I, III, at IV
19
Open Ended
Balikan
Naaalala mo pa ba ang kahulugan ng pananaliksik? Alam mo ba ang kahalagahan o implikasyon nito sa iyo bilang mag-aaral at bilang Pilipino? Lalong magiging kapana-panabik kung ang babalikan mo sa iyong isipan ay ang mga pananaliksik na tumatalakay sa wika at kulturang Pilipino. Subuking sagutin ang sumusunod na katanungan sa pamamagitan ng pagpuno sa kahon.
20
Tuklasin
Sa pagsusuri ng isang saliksik may mga dapat na isinasalang-alang upang magkaroon ng direksyon ang pagtalakay. Narito ang ilang mungkahi sa pagsusuri ng isang saliksik:
21
1. Paksa
Agad na siyasatin kung ang pangunahing paksa o lalamanin nito ay makikita sa pamagat ng saliksik. Suriin din kung ang paksa ng saliksik ay tiyak at hindi malawak.
22
2. Nilalaman
Kung ang sinusuri natin ay isang saliksik tungkol sa wika at kulturang Pilipino, nararapat lamang na ito ay nakapaloob sa pamagat pa lamang. Banggitin din sa pagsusuri kung nakaugnay ba ito sa bawat bahagi ng saliksik. Tiyakin na nabibigyang puna ang saliksik batay sa dapat na tinataglay nito sa bawat bahagi.
23
3. Layon
Suriin at husgahan kung nakamit ba ng may akda ang kanyang layunin sa pagsasagawa ng pananaliksik. Dapat ang layunin ng pananaliksik ay batay sa suliraning inilahad sa bahagi ng Paglalahad ng Suliranin.
24
4. Gamit/Kahalagahan
Batay sa maaaring kinalabasan ng pag-aaral, sino ang makikinabang ng saliksik na ito? Para saan at kanino? May mababago bang sistema o nakagawiang gawain matapos ang saliksik na ito?
25
5. Metodo
Sa bahaging ito ay sinasagot ang sumusunod na katanungan. Angkop ba ang kagamitang ginamit sa pangangalap ng datos? Ang istratehiya ba sa pagpili ng kalahok ay tugma sa layunin ng saliksik? Nakatugon ba ang pamamaraang ginamit sa pagsusuri ng datos. Maayos ba ang presentasyon ng datos? Anong pamamaraan ang ginamit sa pagsusuri ng datos
26
6. Etika sa Pananaliksik
Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga sa gawa ng ibang tao. Samakatuwid hindi ginagawa ang pangongopya ng ideya at gawa ng iba.
27
Suriin
Basahin at unawain ang abstrak ng saliksik. Suriin ang nilalaman nito. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Limang puntos ang katumbas sa bawat tamang sagot.
28
Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New Testament?
Mula sa saliksik nina Almoete, Banggad at Garferio
29
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung swak (tanggap) o ligwak(di-tanggap) para sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don Luis Ababa Senior High School ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy New Testament. Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga katanungang: (1) Epektibo ba ang pagsasalin sa Taglish ng mga pahayag sa Pinoy NT? (2) Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mambabasa nito? (3) Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino lalo na sa pananampalataya nito?
30
Ang pananaliksik na ito ay kuwantitabo sapagkat sinukat ang saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa pamamagitan ng estatistikal na pamamaraang weighted mean. Ito ay nilahukan ng 95 na mag-aaral ng nasabing paaralan na nasa ika-11 na baitang; 10 na lalaki at 10 babae mula sa strand na STEM;13 babae at 10 lalaki mula sa ABM; 15 na babae at 10 lalaki mula sa HUMSS;15 na babae at 12 lalaki mula sa GAS at TVL strand. Pinili ang mga kalahok sa pamamagitan ng simple random sampling.
31
Lumabas sa pag-aaral na ang Pinoy New Testament na gumagamit ng Taglish ay “lubos na epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean na nangangahulugang tanggap o swak sa mga kalahok ang pagsasalin nito. Ang Pinoy NT ay “lubos na nakawiwili at nakapupukaw” ng pansin sa mga kabataang mambabasa dahil sa 3.52 weighted mean na naitala. Pinatunayan din ng datos sa pananaliksik na ito na “lubos na nakatutulong” ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa larangan ng pananampalataya. Sinusuportahan ito ng 3.39 weighted mean na naitala.
32
Dahil dito, iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may Taglish na pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga kabataang Pilipino.
33
Open Ended
Ano ang paksa ng binasa mong pananaliksik?
34
Open Ended
Ano-ano ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik?
35
Open Ended
Angkop ba ang metodo na ginamit ng mananaliksik? Pangatwiranan ang iyong sagot.
36
Open Ended
Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa pananaliksik na nabasa mo?
37
Open Ended
Ano ang kahalagahan o implikasyon sa pag-aaral, kabuhayan at buhay ang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino?
38
Pagyamanin
Basahin at unawain ang literatura ng isang pananaliksik tungkol sa paggamit ng Taglish sa Pinoy New Testament na Bibliya. Isagawa ang pagsusuri at gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.
39
Ayon kay Hymes (1972), nangangahulugan na ang wika ay buhay, bukas ito sa sistema ng pakikipag-interaksyon. Binabago at bumabago ito sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Kung kaya’t ito ang magiging batayan ng pag-aaral na ito kung swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) sa mga mag-aaral ang paggamit ng “Taglish” maging sa banal na aklat. Mapapatunayan natin o mapapasubalian ang pananaw na ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago.
40
Ang Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ganito ang batayang deskripsyon para sa pag-aaral na ito: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumadaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Dahil ang wikang Filipino ay buhay nagkakaroon ito ng ebolusyon, ang ibig sabihin ay may pagbabago.
41
Kitang-kita naman sa kalagayan ng paggamit ng Filipino, walang Pilipino na diretsong nagsasalita ng Filipino, ito’y may halong Ingles na tinatawag nating “Taglish”. Ito’y gamit na gamit lalo na sa mga kabataan. Kaya ang sitwasyong ito na paggamit sa “Taglish” maging sa banal na kasulatan ay aalamin natin kung swak pa rin ba o katanggap-tanggap pa rin ba sa mga kabataan.
42
Ang Bibliya ay isang banal na aklat na karaniwang ginagamit sa simbahan, sa tahanan o kahit saang dako pa man. Karaniwan, ang Bibliya ay isinasalin sa iba’t ibang lengguwahe kagaya na lamang ng wikang Filipino, Bisaya, llonggo at iba pa. Ito rin ay ipinapamahagi sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ito ay mayroong 66 na aklat (39 sa Lumang Tipan at 27 sa Bagong Tipan). Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang pagiging maka-Diyos kung kaya’t ang pagsasalin ng Bibliya sa iba’t ibang wika ay lubos na mahalaga para sa mga katutubo at iba pang mga Pilipino na naninirahan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
43
Open Ended
Basahin at unawain ang literatura ng isang pananaliksik tungkol sa paggamit ng Taglish sa Pinoy New Testament na Bibliya. Isagawa ang pagsusuri at gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.
44
Dropdown
Punan ng angkop na salita ang patlang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Isang (1)
Sa pagsusuri, gumagamit ng paghahatol at pagbibigay ng (3)
Sa pagsusuri pa rin, ipinapahayag ang matinding (4)
45
Draw
Isagawa
Lagyan ng tsek (√) ang kahon na nagsasaad ng iyong saloobin at damdamin tungkol sa pahayag.
46
Tayahin
Suriin ang ilang bahagi ng pananaliksik. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
47
Multiple Choice
Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa pananaliksik na ito, Kalipunan ng mga Salita na Ginagamit sa Social Media?
paggamit ng salita sa isang lugar
paggamit ng kalipunan ng mga salita
paggamit ng salita mula sa social media
pag-iipon ng mga salita mula sa social media
48
Multiple Choice
Ano-anong wastong pagsusuri ang maaaring lumabas sa bahaging ito?
I
II
I at II
III at IV
49
Multiple Choice
Aling pahayag ang tugma sa iyong pagsusuri sa bahaging ito ng pananaliksik?
I. Tugma ang aksyon riserts sa disenyo nito.
II. Hindi tugma ang aksyon riserts bilang disenyo ng pananaliksik.
III. Ang mabubuong kalipunan ng mga salita ay bahagi ng aksyon riserts.
IV. Walang itinakda at inaasahang awtput sa pananaliksik na aksyon riserts.
I at III
II at IV
I, III at III
I, III, at IV
50
Multiple Choice
Alin ang wastong pahayag tungkol sa bahaging Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral?
I at IV
II at III
I at III
II at IV
51
Multiple Choice
Alin ang maling pagsusuri mula sa Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral?
I. Ang Layunin ay tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral
II. Ang Layunin ay hindi tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral
III. Mahirap matamo ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Masusukat ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
I at IV
II at III
I at III
II at IV
52
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod na pananaliksik ang hindi pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino?
Sipnayan: Ligaya o Parusa
Karakol: Susulong o Uurong
Pananampalataya: Tugon sa Malinaw na Kinabukasan
Tiktok: Tulay sa Pagkakabuklod-buklod ng Pamilyang Pilipino
53
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na pananaliksik ang tumatalakay sa wika at kulturang Pilipino?
Saloobin ng mg Mag-aaral Hinggil sa New Normal
COVID-19: Sanhi ng Kamatayan sa Buong Sanlibutan
Teleseryeng “Ang Probinsyano” Salamin ng Kulturang Pilipino: Noon at Ngayon
Pinakanangungunang Pamantasan sa Mundo: Pinagmumulan ng Matatagumpay na Tao
54
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat isinasagawa sa pagsusuri ng isang pananaliksik?
Gumagamit ng paghahatol at pagbibigay ng opinyon
Kailangan ang wasto at maayos na gamit ng kritikal na mga salita
Ipinapahayag ang matinding damdamin ng pagsang-ayon at di-
pagsang-ayon
Kung may negatibong ibig ipahayag, gawin ito nang walang pag aalinlangan sapagkat makabubuti ito sa isinasagawang pagsusuri.
55
Multiple Choice
Batay sa iyong pagsusuri sa nilalaman ng pananaliksik, alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag tungkol sa metodo o pamamaraan ng pananaliksik?
Ang pananaliksik na ito ay kuwantitabo sapagkat sinukat ang saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa pamamagitan ng estatistikal na pamamaraang weighted mean.
Kitang-kita naman sa kalagayan ng paggamit ng Filipino, walang Pilipino na diretsong nagsasalita ng Filipino, ito’y may halong Ingles na tinatawag nating “Taglish”.
Pinatunayan din ng datos sa pananaliksik na ito na “lubos na nakatutulong” ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa larangan ng pananampalataya.
Iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may Taglish na pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga kabataang Pilipino.
56
Multiple Choice
Sa pagsusuri ng paksa, ano ang katangian na dapat taglayin nito?
Lagom ng kabuuang nilalaman ng saliksik.
Ang paksa ng saliksik ay tiyak at hindi malawak.
Ang pangunahing paksa o lalamanin nito ay makikita sa pamagat ng saliksik.
Ang A, B at C ay katangian ng isang paksa.
57
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nabibilang sa Paglalahad ng Suliranin?
Epektibo ba ang pagsasalin sa Taglish ng mga pahayag sa Pinoy NT?
Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mambabasa nito?
Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino lalo na sa pananampalataya nito?
Swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) para sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don Luis Ababa Senior High School ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy New Testament?
58
Multiple Choice
Iminumungkahing magkaroon ng katulad na pag- aaral subalit gawing tuon ang mga alagad ng simbahan tulad ng pari, pastor, o ministro upang malaman ang pananaw nila ukol dito. Batay sa rekomendasyon na ito, alin sa sumusunod na pananaliksik ang hindi kaugnay sa wika at kulturang Pilipino?
OPM Kanta ng Kaluluwa
Wikang Filipino, Wika ng Kaluluwa
Alagad ng Simbahan, Alagad ng Kaluluwa
Kantang-panalangin: Ipinaghihili ang Kaluluwa
59
Multiple Choice
Mula sa pamagat ng pananaliksik na Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New Testament, masasalamin ba ang kulturang Pilipino?
Oo, sapagkat ang paggamit ng wikang Taglish ay hindi bahagi ng ating kultura.
Hindi, sapagkat ang Pinoy New Testament na gumagamit ng Taglish ay hindi tanggap.
Oo, sapagkat ang paggamit ng Pinoy New Testament ay nagpapakita ng pananampalataya.
Hindi, sapagkat ang wikang Taglish at Pinoy New Testament ay walang kaugnayan sa isa’t isa.
60
Karagdagang Gawain
Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul na ito. Dahil dito, gusto kong maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo ang iba’t-ibang bahagi ng pananaliksik sa bawat kabanata nito.
61
Multiple Choice
Kapag ang pinag-uusapan ay pananaliksik tungkol sa wika at kulturang Pilipino, ang lahat ay maaring maging paksa maliban sa___________.
Kaugalian, tradisyon, kasuotan at pagkain
Pakikipagsapalaran, kamangha-manghang bagay
Pag-ibig, teleserye, pelikula at OPM na kanta
Mga salitang ginagamit sa social media, salitang beki, salitang kalye, at iba pa
62
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa paraan ng mangangalap at pagsusuri ng datos?
Lumabas sa pag-aaral na ang Pinoy New Testament na gumagamit ng Taglish ay “lubos na epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean na nangangahulugang tanggap o swak sa mga kalahok ang pagsasalin nito.
Ang Pinoy NT ay “lubos na nakawiwili at nakapupukaw” ng pansin sa mga kabataang mambabasa dahil sa 3.52 weighted mean na naitala.
Iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may Taglish na pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga kabataang Pilipino.
Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng kuwantitabo sapagkat sinukat ang saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa pamamagitan ng estatistikal na pamamaraang weighted mean
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan
Modyul 13:
Pagsusuri sa Pananaliksik
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 62
SLIDE
Similar Resources on Wayground
58 questions
Unit 3: Chemical Bonds
Presentation
•
10th Grade
60 questions
Expressao Dramatica
Presentation
•
11th Grade
57 questions
Module 6: Lesson 3: Names & Formula for Ionic Compounds (pg 180)
Presentation
•
10th Grade
58 questions
periodic table trends
Presentation
•
10th Grade
52 questions
Formativa de examen mensual 1-2do trim.
Presentation
•
11th Grade
54 questions
Reading the Periodic Table (Chemistry Summer Set #7)
Presentation
•
10th Grade
53 questions
Untitled Presentation
Presentation
•
10th Grade
58 questions
Europa Region śródziemnomorski
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade