Search Header Logo
Balita

Balita

Assessment

Presentation

Other

7th Grade

Medium

Created by

Wilma Bitamor

Used 2+ times

FREE Resource

19 Slides • 12 Questions

1

Balita

By Wilma Bitamor

2

  • ​Kahulugan

  • ​Kahalagahan

  • Uri

Balita

media

3

Sa panahon natin ngayon, mahalaga pa rin ba ang balita? Sa bawat araw, marami ang nagaganap sa ating paligid, kailangan pa bang malaman ito ng lahat ng tao?

Natutukoy ang kahulugan, kahalagahan, at mga uri ng balita.

Panimula

media

4

​Ayon sa Diksyunaryo, ang balita ay isang ulat o impormasyon hinggil sa mga pangyayari sa paligid. Sa araling ito, madaragdagan ang iyong kaalaman sa kahulugan ng balita at malalaman mo rin ang kahalagahan at uri nito.

Natutukoy ang kahulugan, kahalagahan, at mga uri ng balita.

Panimula

media

5

Kahulugan ng Balita

  • isang ulat

Filipino| Baitang 7

  • impormasyong nangyayari sa paligid

  • maaaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lang

  • hindi pangkaraniwan

media

6

Kahalagahan ng Balita

  • nagmumulat sa mamamayan

  • naibibigay ang dapat gawin sa panahon kalamidad

  • natutuklasan ang iba't bang kayamanan

  • nakikilala ang iba't ibang tao​

Filipino| Baitang 7

media
media
media
media

7

Kahulugan ng Balita

isang ulat o impormasyon hinggil sa mga pangyayari sa paligid. Ito ay maaaring naganap na, kasalukuyang nagaganap, o magaganap pa lamang. Kadalasan, hindi ito pangkaraniwan kaya naman nakakapukaw ng atensyon ng mga tao.

Filipino| Baitang 7

8

Kahalagahan ng Balita

Samantala, kung wala ang balita, maaari tayong maging mangmang sa nangyayari sa ating paligid. Maaaring maging ignorante tayo sa sarili nating bayan o di kaya’y panay kasinungalingan lamang ang ating natatanggap mula sa hindi mapagkakatiwalaang sanggunian. Makapangyarihan ang balita at kaya nitong pagbuklod-buklurin o paghiwa-hiwalayin ang isang bayan.

Filipino| Baitang 7

media

9

Uri ng Balita

A. Ayon sa Pinagmulan

  1. Balitang Lokal o Pambansa

    Ito ay balita na ang pinangyarihan ng ulat ay mula sa pamayanang kinabibilangan ng tagapakinig o tagapagbasa. Maaari itong mula sa isang barangay, komunidad, lungsod o bayan, lalawigan, rehiyon, o bansa.

media

10

Uri ng Balita

A. Ayon sa Pinagmulan

2. Balitang Banyaga o Dayuhan

Ang ulat ay nagmula pa sa ibang bansa. Ibinabalita ito dahil mayroon itong halaga o saysay sa mga tagalokal kahit na ito’y mula sa ibang bansa.

media

11

Uri ng Balita

B. Ayon sa Pagkakasunod-sunod

  1. Paunang Balita

Ito ay balita tungkol sa inaasahang pangyayari katulad ng eleksyon o halalan, isang konsiyerto ng sikat na banda, panibagong lockdown, patimpalak at marami pang iba.

media

12

Uri ng Balita

B. Ayon sa Pagkakasunod-sunod

  1. Balitang di-inaasahan

Ito ay balitang isinulat o iniulat dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

media

13

Uri ng Balita

B. Ayon sa Pagkakasunod-sunod

  1. Balitang Panubaybay

Ito ang balitang iniulat para makapagbigay o makapagdagdag ng panibagong impormasyon sa naunang balita.

media

14

Sanggunian

Dayag, Alma M., Juliam Ailene, Lontoc, Nestor S., at Jose, Carmela E. (2017) Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma” Phoenix Publishing House, Inc. Lungsod ng Quezon

https://diksiyonaryo.ph/search/balita

https://pdfslide.tips/documents/pamatnubay-at-balita.html

https://www.slideshare.net/Kingromar_24/balitafinalppt

Filipino | Baitang 7

15

Balita

  • isang ulat o impormasyon hinggil sa mga pangyayari sa paligid

  • nagmumulat sa kaalaman at kamalayan ng mamamayan sa mga isyung panlipunan

Filipino | Baitang 7

16

Uri ng Balita

  • ​Ayon sa Pinagmulan

    • Balitang Lokal o Pambansa

    • Balitang Banyaga o Dayuhan​

  • Ayon sa Pagakakasunod-sunod​

    • Paunang balita

    • Balitang di-inaasahan

    • Balitang Panubaybay​

Filipino | Baitang 7

17

Halina't magsanay!

Ngayong natapos mo na basahin ang impormasyon tungkol sa balita, sagutan mo ang sumusunod na tanong tungkol dito bilang pagsasanay.​

18

Multiple Choice

Ang balita ay naglalaman ng mga kathang isip ng sumulat.

1

Tama

2

Mali

19

Multiple Choice

Mahalaga ang balita dahil İto ay nagmumulat sa mga mamamayan sa nangyayari sa paligid.

1

Tama

2

Mali

20

Multiple Choice

Tukuyin ang uri ng balita:

Ito ay balita na ang pinangyarihan ng ulat ay mula sa pamayanang kinabibilangan ng tagapakinig o tagapagbasa.

1

Balitang Lokal

2

Balitang Banyaga

3

Balitang di-inaasahan

4

Balitang Panubaybay

21

Multiple Choice

Tukuyin ang uri ng balita:

Ang ulat ay nagmula pa sa ibang bansa. Ibinabalita ito dahil mayroon itong halaga o saysay sa mga tagalokal kahit na ito’y mula sa ibang bansa.

1

Balitang Lokal

2

Balitang Banyaga

3

Balitang di-inaasahan

4

Balitang Panubaybay

22

Multiple Choice

Tukuyin ang uri ng balita:

Ito ang balitang iniulat para makapagbigay o makapagdagdag ng panibagong impormasyon sa naunang balita.

1

Balitang Lokal

2

Balitang Banyaga

3

Balitang di-inaasahan

4

Balitang Panubaybay

23

Ngayon sukatin natin ang iyong natutunan.

Sagutan ang sumusunod na tanong bilang pagsukat sa iyong natutunan.​

24

Open Ended

Ano ang balita?

25

Open Ended

Mula sa iyong nabasa, ano ang kahalagahan ng balita?

26

Fill in the Blanks

Type answer...

27

Fill in the Blanks

Type answer...

28

Fill in the Blanks

Type answer...

29

Ano ang masasabi mo sa iyong naging performance?

Sagutin ang sumusunod na tanong.​

Filipino | Baitang 7

30

Poll

Piliin ang pahayag na pinakaangkop sa paglalarawan sa iyong naging performance sa pagbibigay ng kahulugan at kahalagahan ng balita.

Alam na alam ko ang kahulugan at kahalagahan ng balita.

Alam ko ang kahulugan ng balita ngunit hindi ko agad matukoy ang  kahalagahan nito.

Nahirapan akong tukuyin ang kahulugan at kahalagahan ng balita.

31

Poll

Piliin ang pahayag na pinakaangkop sa paglalarawan sa iyong naging performance pagtukoy sa uri ng balita.

Natukoy ko ang lahat ng uri ng balita.

Dalawang uri ng balita lamang ang aking natukoy.

Isang uri ng balita lamang ang aking natukoy.

Nahirapan akong matukoy ang mga uri ng balita.

Balita

By Wilma Bitamor

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 31

SLIDE