

G6 AP Q3 Aralin10
Presentation
•
History
•
6th Grade
•
Medium
NAPOLEON LEONES
Used 3+ times
FREE Resource
12 Slides • 5 Questions
1
AP6 Q3 Aralin10
Mga Patakaran at Programa ni Pangulong Ferdinand E. Marcos
(Disyembre 30, 1965-Pebrero 25, 1986)
By NAPOLEON LEONES
2
Si Pangulong Ferdinand Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Siya ay nag-aral sa Maynila ng abogasya noong mga huling taon ng 1930 sa Unibersidad ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig siya ay naging opisyal ng Armadong Pwersa ng Pilipinas. Ang Pag-angkin ni Marcos na siya ang naging lider sa kilusang gerilya ng Pilipinas ang isang mahalagang dahilan sa kanyang tagumpay sa politika. Mula 1946 hanggang 1947, si Marcos ay naging Technical Assistant ni Manuel A. Roxas. Siya ay miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (1949-1959).
Ferdinand E. Marcos
3
Si Ferdinand E. Marcos ang pinakamatagal na nanungkulan sa bansa bilang Pangulo. Mahigit sa dalawampung taon ang kaniyang pamamahala. Siya ay naniniwala na ang “Pilipinas ay magiging dakilang muli”. Marami siyang ipinatupad na mga programa upang masolusyunan ang mga suliranin sa kabuhayan at pulitika. Binigyan niya ng pansin ang programang pang-imprastraktura. Nagpatayo ng mga tulay, kalsada at paaralan. Inilunsad ang “Luntiang Rebulosyon” o Green Revolution upang maibsan ang kakulangan sa pagkain. Gumamit ng modernong paraan ng irigasyon at pagsasaka dulot nito lumaki ang produksiyon ng palay at mais.
4
Itinatag din noon ang Cultural Center of the Philippines o CCP upang lalong mapayaman ang kulturang Pilipino.
5
Ang administrasyong Marcos ay nagpairal ng Batas Militar sa bansa upang iligtas ang bansa laban sa karahasan. Ngunit ang pagpapatupad nito ay nakapagdulot ng takot sa iilan nating mga kababayan at mga paglabag sa mga karapatang pantao.
6
Napalakas din sa panahon ni Marcos ang ugnayan sa mga bansa sa Asya, pakikiisa sa pagtatag ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN upang isulong ang pagtutulungan sa kabuhayan, panlipunan at pangkultura ng mga bansa sa rehiyon.
7
Paglaki ng produksyon ng bigas at mais dahil sa paggamit ng modernong paraan sa pagsasaka.
Pagluluwas ng bigas sa ibang bansa
Pagpapatayo ng mga imprastraktura upang mapabilis ang transportasyon at komunikasyon sa bansa
Mga patunay na may pag-unalad sa ekonomiya sa panahon ni Marcos:
8
Mga kontribusyon ni Pangulong Marcos
Kultura at Sining
Pagtugon sa gawaing kultural sa bansa sa pamamagitan ng pagtatag ng Cultural Center of the Philippines
9
Mga kontribusyon ni Pangulong Marcos
Ekonomiya
Naglunsad ng malawakang programang pang imprastraktura. Nagpagawa ng mga tulay, kalye, paaralan, irigasyon at iba pa.
Paglaki ng produksiyon ng bigas at mais dahil sa paggamit ng modernong paraan ng irigasyon at pagsasaka.
Pagpapalawak at higit na pagpapabuti ng mga programa sa reporma sa lupa.
10
Mga kontribusyon ni Pangulong Marcos
Edukasyon
Naniniwala siya na mahalaga ang edukasyon sa bawat mamayang Pilipino
Isinulong niya ang Education Development Decree of 1972
11
Mga kontribusyon ni Pangulong Marcos
Pulitika
Gumawa ng bagong batas hinggil sa pagtataas ng buwis
Pagbaba ng katiwalian sa pamahalaan.
Pagpapalawak ng pakikipag-ugnayang pandaigdigan ng Pilipinas.
12
Mga kontribusyon ni Pangulong Marcos
Pamayanan
Pagbaba ng bilang ng kriminalidad
Pagpapalaganap ng mga paglilingkod na pangkalusugan sa mga pook-rural.
Paglulunsad ng Luntiang Himagsikan (Green Revolution) para matugunan ang pangangailangan sa pagkain.
13
Multiple Choice
Alin sa sumusunod ang itinatag ni Pangulong Marcos upang matugunan ang kakulangan sa pagkain?
Comprehensive Agrarian Reform
Green Revolution
14
Multiple Choice
Ito ay isang samahang panrehiyon na kung saan nakiisa si Pangulong Marcos. Ano ang tawag sa samahang ito?
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
United Nation (UN)
15
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod na patakaran ang ipinatupad ni Marcos upang mapigil ang mga kaguluhan sa loob ng bansa?
Pagpapatupad ng Batas Militar
Pagbabawal ng baril sa mga sibilyan
16
Multiple Choice
Ano ang kahalagahan ng Cultural Center of the Philippines sa kulturang Pilipino?
Tumaas ang buwis na malilikom
Napagyaman ang kulturang Pilipino
17
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na may pag-unlad sa ekonomiya sa panahon ni Pangulong Marcos?
Pagpapatatag ng sining at kultura ng bansa
Paglaki ng produksyon ng bigas at mais dahil sa mga makabagong pamamaraan ng pagsasaka
AP6 Q3 Aralin10
Mga Patakaran at Programa ni Pangulong Ferdinand E. Marcos
(Disyembre 30, 1965-Pebrero 25, 1986)
By NAPOLEON LEONES
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 17
SLIDE
Similar Resources on Wayground
14 questions
Zvieratká v zime
Presentation
•
KG
10 questions
Pasipikasyon at Kooptasyon ng mga Amerikano
Presentation
•
6th Grade
12 questions
Kisah Keteladanan Nabi Muhammad SAW
Presentation
•
6th Grade
13 questions
Квиз All Sports & SaM
Presentation
•
KG
12 questions
PABULA AT SALITANG PANANONG
Presentation
•
6th Grade
10 questions
Humour: Louis-José Houde
Presentation
•
6th Grade
14 questions
Principiile mecanicii newtoniene
Presentation
•
6th Grade
10 questions
Q2 PLH KINDER
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 4
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
HSMS - Standard Response Protocol
Quiz
•
6th - 8th Grade
16 questions
1.1-1.2 Quiz Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
12 questions
Exponent Expressions
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Adding and Subtracting Integers
Quiz
•
6th - 7th Grade
11 questions
Northeast States
Quiz
•
3rd - 4th Grade
10 questions
Characterization
Quiz
•
3rd - 7th Grade
10 questions
Common Denominators
Quiz
•
5th Grade