Search Header Logo
G6 AP Q3 Aralin8

G6 AP Q3 Aralin8

Assessment

Presentation

•

History

•

6th Grade

•

Medium

Created by

NAPOLEON LEONES

Used 2+ times

FREE Resource

10 Slides • 5 Questions

1

Mga Patakaran at Programa ni Pangulong Carlos P. Garcia

(Marso 17, 1957- Disyembre 30, 1961)

By NAPOLEON LEONES

​AP6 Q3 Aralin8

2

Si Carlos Polestico Garcia ay isinilang noong Nobyembre 4, 1896 sa lungsod ng Talibon, Bohol. Nag-aral siya sa Siliman University sa lungsod ng Dumaguete at nagtapos ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro. Pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa kapulungan ng mga kinatawan at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging Gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1942 at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1943. Noong ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945) lumaban siya sa pananakop sa mga Hapon bilang gerilya na nakabase sa Bohol.

Carlos P. Garcia

media

3

Sa pagkamatay ni Ramon Magsaysay, ang pumalit sa kanyang posisyon ay ang kanyang Pangalawang Pangulo na si Carlos P. Garcia. Pinagpatuloy niya ang mga programa ni Magsaysay sa loob ng walong buwan. Nanalo siya bilang Pangulo sa ginanap na halalan noong 1957.

4

Kilala si Pangulong Carlos P. Garcia sa pagpapairal ng patakarang “Pilipino Muna” na humihikayat sa mga mamamayang Pilipino na tangkilikin ang mga produktong gawa sa ating bansa o sariling atin.

5

Binigyang pansin ni Pangulong Garcia ang pagtitipid o Austerity Program. Layunin nito na maging matipid sa paggasta ang pamahalaan upang makapagbigay na mabuting serbisyo sa mga mamamayan.

6

Ipinatupad din niya ang patakarang Filipino Retailer’s Fund Act (1955) na nagpapautang sa maliliit na negosyanteng Pilipino.

7

Sa kanyang administrasyon, ipinatupad ang NAMARCO Act (National Marketing Corporation) na nagbibigay puhunan sa maliit na mangangalakal na Pilipino.

8

Sa kanyang panunungkulan nabuo ang samahang panrehiyon na Association of Southeast Asia (ASA) na pumalit sa Southeast Asian Treaty Organzation (SEATO) ni pangulong Magsaysay. Layunin nitong pag-isahin at pagbuklurin ang mga kaanib na bansa sa pagutulungan pangkabuhayan at pangkultura.

9

Binigyang halaga rin niya ang kulturang Pilipno at ang pagdaraos ng taunang Republic Cultural Heritage Award at pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas.

10

Ilan sa mga suliranin na kinaharap ng kanyang administrasyon at binigyan niya ng solusyon ay ang mga sumusunod, kawalan ng hanapbuhay, kakulangan sa pagkain, pagtaas ng sahod, pabahay at pagpapaunlad sa pagsasaka.

11

Multiple Choice

Anong programa ang ipinatupad na ang pangunahing layunin ay magtipid at maging matalino sa paggasta ang pamahalaan at mga Pilipino?

1

Pilipino Muna

2

Austerity Program

12

Multiple Choice

Alin sa sumusunod na polisiya ang naging sentro ng mga programa ni Pangulong Garcia?

1

"Pilipino Muna."

2

"Ang Asya ay para sa Asyano."

13

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang layunin ng patakarang “Pilipino Muna”?

1

Pagtitipid sa paggasta

2

Pagtangkilik sa sariling produkto

14

Multiple Choice

Paano naisulong ang pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa panahon ni Pangulong Garcia?

1

sa pamamagitan ng pagdaraos ng taunang Republic Cultural Heritage Award

2

ipinadala ang mga batang Pilipino upang mag-aral sa ibang bansa

15

Multiple Choice

Anong samahang panrehiyon ang nabuo sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Garcia?

1

Southeast Asia Treaty Organization

2

Association of Southeast Asia

pattern-tertiary

Mga Patakaran at Programa ni Pangulong Carlos P. Garcia

(Marso 17, 1957- Disyembre 30, 1961)

By NAPOLEON LEONES

​AP6 Q3 Aralin8

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 15

SLIDE