

Q3W6-7A9-PAGBASA AT PAGSUSURI
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Hard
Edgar Monte
Used 1+ times
FREE Resource
29 Slides • 61 Questions
1
By Edgar Monte
2
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa mga Paggamit ng Mabisang Paraan ng Pagpapahayag na may kalinawan, kaugnayan at bisa sa Pagsulat ng Reaksyong Papel na iyong napag-aralan na sa mga naunang modyul. Makatutulong ito sa iyo upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto.
3
Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
a. Kalinawan
b. Kaugnayan
c. Bisa sa reaksyong papel na isinulat
( F11PU – IIIfg – 90)
4
Layunin:
Naiisa-isa ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag.
Nakasusuri ng teksto batay sa kung anong uri ito ng pagpapahayag,
Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa video na pinanood.
5
Subukin
Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel kung PAGSASALAYSAY, PAGLALARAWAN, PANGANGATWIRAN, o PAGLALAHAD.
6
Fill in the Blanks
Sa takot ni Pilato na maalis siya sa tungkulin bilang gobernadora, nagpakuha siya
ng tubig at sa harap ng mga tao ay nagsabing “Wala akong kasalanan sa dugo ng
banal na taong iyan. Kayo ang bahala”.
Type answer...
7
Fill in the Blanks
Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay
sapagkat hindi siya nagbalik-aral.
Type answer...
8
Fill in the Blanks
Nakipagsiksikan ako sa pawisan, at ngayo’y amoy-suka’t amoy-anghit ng mga
taong nakapaligid sa kung anong kasiya-siyang tanawin.
Type answer...
9
Fill in the Blanks
Noong una talaga, nagdadalawang isip ako kung paniniwalaam ko ba ang mga
naririnig ko, ngunit nang makita ko kung ano ang naging epekto ng apoy na galing
sa espada ng mga anghel, naiintindihan ko na ang lahat dahil ito ay pagpapakita ng
pakikipaglaban sa kasamaan.
Type answer...
10
Fill in the Blanks
Ang ibig sabihin ng paglalakbay ay pag-alis at pagpunta sa isang lugar upang
maranasan ang mga kultura rito.
Type answer...
11
Fill in the Blanks
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mahigit sa apat na milyong
mga bata ang napipilitang magtrabaho sa halip na mag-aral at maglaro.
Type answer...
12
Fill in the Blanks
Kaming nga bantay-kanto ay kinatutuyuan daw nila ng dugo dahil mababaw raw
ang aming kaligayahan.
Type answer...
13
Fill in the Blanks
Ang tagumpay ng mga anak sa kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapalaki sa
kanila ng kanilang magulang.
Type answer...
14
Fill in the Blanks
Pasyahan na ang kababaihan ay dapat magkaroon ng pantay na Karapatan o
ekwalidad sa kalalakihan sa lahat ng aspekto sa buhay.
Type answer...
15
Fill in the Blanks
Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulungang tila hindi malaman ang
mainam na gagawin maliban sa mandilat, umismid at manuro kay Indong.
Type answer...
16
Fill in the Blanks
Sa ilalim ng demokrasya, ang ating pakahulugan sa tunay na kalayaan ay dapat
malinaw. Ang kalayaan ay hindi kasarinlan.
Type answer...
17
Fill in the Blanks
Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang nalalamon.
Type answer...
18
Fill in the Blanks
Bakit mo ako pipilitin na kumain ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi rin
kumakain ng gulay!
Type answer...
19
Fill in the Blanks
May mga bagay sa ating buhay na mahirap at hindi maipaliliwanag kung bakit
ito nangyayari. Maaring ito’y isang trahedyang iniiwasan nating mangyari o isang
pangyayaring ating tinatawag na ‘hulog ng langit’.
Type answer...
20
Fill in the Blanks
Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang
magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.
Type answer...
21
Reaksyong Papel
22
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang paggamit ng mabisang paraan ng pagpapahayag na may kalinawan, kaugnayan at bisa sa pagsulat ng reaksyong papel. Dito ay pagtutuunan mo ng pansin ang mga paraan upang makabuo at makasulat ng isang reaksyong papel.
23
Balikan
Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong balikan ang iyong natutuhan sa mga naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa katanungang ito:
24
Open Ended
Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng
teksto? Bakit?
25
Tuklasin
Narito ang ilang mga popular na linya na ginampanan ng mga sikat na aktor.
Pansinin ang mga sumusunod na linya na binanggit ng popular na aktor at aktres na gumanap sa pelikula.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
26
“Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa’tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at paasahin…’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin”
-John Lloyd “One More Chance 2007”
27
"I know what you're doing here. Just be careful with them, hindi lahat ng puso kasing tibay ng sa 'kin."
- Clarisse (Andi Eigenman), Camp Sawi
28
“Oh yes kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako… And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend!!!”
-Jollina Magdangal “Labas Kita Okey Lang 1998”
29
“May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, e yung na sa’yo na pinakawalan mo pa.”
-Toni Gonzaga “Starting Over Again 2014”
30
Open Ended
Ano ang napuna mo sa bawat pahayag?
31
Open Ended
Mayroon bang pagkakatulad o pagkakaiba sa mga ito?
32
Open Ended
Anong uri ng pahayag ang mga nabanggit?
33
Open Ended
Bakit mahalagang malaman ang uri ng mga pahayag?
34
Suriin
Upang mas maging maliwanag sa iyo ang ang iba’t ibang uri ng pahayag, tara na’t basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng mga ito at ang kalakip na halimbawa. Makatutulong ito upang makapagsuri at makapagbigay ka ng iyong reaksyon na mula sa binasang teksto o pinanood na pelikula.
35
Iba’t ibang Uri ng Pahayag
Paglalahad
Ayon kay Arrogante (1994), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye at pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan nang may interes.
36
Halimbawa:
Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19, Coronavirus Disease 2019) ay isang sakit sa paghinga sa mga tao na sanhi ng bagong virus. Maaari itong kumalat mula sa bawat tao. Dahil ito ay bagong virus, mayroon pang hindi natin alam, ngunit natututo pa tayo tungkol sa COVID19 bawat araw. Ang pampublikong kalusugan sa komunidad ng Minnesota ay nagsisikap upang mapabagal ang pagkalat ng COVID- 19 sa ating estado, at umaasa kami sa tulong ng bawat isa. Iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin mo ang may sakit. Hindi namimili ang virus.
https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materi
als/basicstagalog.pdf
37
Pagsasalaysay
Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito ng pagkukuwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko at mga kuwentong bayan.
38
Halimbawa:
Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw gayon ito, basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.
http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/impengnegro-
ni-rogelio-sikat.html
39
Pangangatwiran
Ang pangangatwiran o pagmamatuwid ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason. Ang pangangatwiran ay kasingkahulugan ng pagbiibigay-palagay, paghuhulo, pag-aakala, pagsasapantaha o paghihinuha.
40
Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyo kung iboto ang aking katunggali gayong hindi siya naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de
saya pa yata!
41
Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao, isang hayop, sa isang bagay, isang lugar o sa isang pangyayari sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at iba pang pandama.
42
Halimbawa:
Pinagtaasan siya ng kilay ng kanyang kaibigan nang ipagtapat niyang umiibig siya sa isang kahig isang tukang binata.
43
Pagyamanin
PAGSASANAY 1`
Gamit ang mga larawang nakikita, pumili ng isa at ipaliwanag batay sa kung ito ba ay pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalarawan at paglalahad na pahayag.
44
Open Ended
Gamit ang mga larawang nakikita, pumili ng isa at ipaliwanag batay sa kung
ito ba ay pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalarawan at paglalahad na
pahayag.
45
Open Ended
Gamit ang mga larawang nakikita, pumili ng isa at ipaliwanag batay sa kung
ito ba ay pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalarawan at paglalahad na
pahayag.
46
Open Ended
Gamit ang mga larawang nakikita, pumili ng isa at ipaliwanag batay sa kung
ito ba ay pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalarawan at paglalahad na
pahayag.
47
Open Ended
Gamit ang mga larawang nakikita, pumili ng isa at ipaliwanag batay sa kung
ito ba ay pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalarawan at paglalahad na
pahayag.
48
PAGSASANAY 2
Subukan mo naman na ikaw ang magbigay ng sariling reaksyon sa napapanahong isyu sa inyong komunidad. Ano ang iyong opinyon/reaksyon sa iyong naging karanasan o maging karanasan ng ibang tao.
49
Open Ended
Pagiging ilaw ng tahanan ng isang ama:
50
Open Ended
Pagpili ng matalik na kaibigan:
51
Open Ended
Pagiging masunurin na mamamayan:
52
Isaisip
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
53
Open Ended
Sa iyong palagay, bakit mahalagang alamin ang iba’t ibang uri ng pahayag?
54
Open Ended
Paano nakaaapekto sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon ang di
pagtukoy sa tamang paggamit ng pahayag?
55
Open Ended
Bilang isang mag-aaral, naging makabuluhan ba sa iyo ang pag-aaral ng uri
ng mga pahayag?
56
Isagawa
PAGSASANAY 1
Mula sa mga paksang nakalahad, bumuo ng sariling reaksyon batay sa hinihinging uri ng pagpapahayag.
57
Open Ended
Karanasan habang nasa ilalim ng ECQ/GCQ inyong baranggay ( Pagsasalaysay )
58
Open Ended
Balik- Eskwela sa Kabila ng Pandemya ( Pangangatwiran )
59
Open Ended
Pansamantalng pagtigil sa pag-ere ng ABS-CBN.
( Paglalahad )
60
Open Ended
Middle Class: Dapat bang bigyan din ng ayuda ng ating gobyerno?
( Pangangatwiran )
61
Open Ended
Frontliners: Sa Panahon ng Pandemya
( Pagsasalaysay )
62
PAGSASANAY 2
Gamit ang mga pahayag sa loob ng kahon, tukuyin kung anong uri ng pahayag ang isinasaad.
63
Fill in the Blanks
Si Basilio, isang mahusay na mag-aaral ng medisina, maganda ang tindig
ng katawan at natatangi ang pagiging maginoo, Siya ang mabait na kasintahan ni
Huli. Naging matagumpay si Basilio sa kanyang buhay dahil na rin sa kanyang
pagsisikap, nagsilbi siyang kasama ni Kapitan sa kanyang bahay, kaya naman
siya ay nakapag-aral dahil na rin sa kanyang sipag.
Type answer...
64
Fill in the Blanks
“Patay na ang ilaw sa kabahayan maliban sa isang maliit na
lampshade na bahagyang tumatanglaw sa kuwarto. Inakala ni Carmen na
tulog na si Orpha kaya hindi na siya nagtawag pang ipagbukas siya ng
pinto. Duplikado naman ang susi at tig-isa pa sila ni Rosita. Gaya ng
nakaugalian na ng dalawa, may uwi silang pumpon ng mga rosas at mga
kuwintas na sampagita. Pagkalapag na pagkalapag ng mga karga-karga sa
sofa, na sinabayan ni Carmen ng bagsak-upong pasandal, agad tinungo ni
Rosita ang altar kinuha ang Kristal na flower vase na nilaglagan na nga mga
talulot ng dating nalalanta nang mga rosas, pinalitan ito ng tubig, at inilagay
ang dalang rosas.
Mga Huwad na Birhen Ni Joey A. Arogante
Type answer...
65
Fill in the Blanks
Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba
natin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at
nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang limos
bilang pantawid-gutom?
Type answer...
66
Fill in the Blanks
Masangsang ang hangin…waring kumunoy na humihigop sa mga sapatos
ko ang maitim, marumi, malapot at malagkit na putik nang dumako ako sa lugar
na iyon na tinatawag na kadiwa. Maingay ang daloy ng trapiko. Sumasabay sa tila
gumagapang na mga sasakyan ang tagaktak ng ulan na parang butil ng yelo sa
lamig ang pagbugsu-bugsong buhos sa malawak ngunit karima-rimarim na paligid.
Oo nasa palengke ako na sa bawat hakbang ko tulad ng ibang bago lamang dito,
hindi maiwasang bumakas sa mukha ang nandidiring ekspresyon.
Mula sa “Musmos” Ni Leah V. Capillane
Type answer...
67
Fill in the Blanks
Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipapaliwanag
ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya sapagkat
naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sa ngayon.
Type answer...
68
Fill in the Blanks
Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki,
kung gayon, sila ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.
Type answer...
69
Fill in the Blanks
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa
nag-iinit na noo ni Danding. Humihinga siya nang malalim, umupo sa lupa, at
ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang iniunat niya ang kanyang mga paa,
itinutukod sa lupa ang mga palad, tumingala at binayaang maglaro sa ligalig
niyang mukha ang banayad na hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.
-- Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes
Type answer...
70
Fill in the Blanks
Gabundok ang kanyang huhugasang pinggan matapos ang pagdidiwang
ng kaarawan ng kanyang ina.
Type answer...
71
Fill in the Blanks
Sa pagkamatay ng kaniyang ina, lalong naging mahirap ang buhay ng
batang si Canuto. Lungkot, gutom, hirap at sakit. Subalit kailangan nilang
mabuhay kaya’t nagsikap siya.
Type answer...
72
Fill in the Blanks
Maliit siyang babae, siguro mga apat na piye at labing isang pulgada
lamang ang taas niya. Medyo bilugan ang kanyang katawan pero hindi mataba.
Maputi ang kanyang balat at itim ang maikli niyang buhok.
Type answer...
73
Tayahin
Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel kung PAGSASALAYSAY, PAGLALARAWAN, PANGANGATWIRAN, o PAGLALAHAD.!
74
Fill in the Blanks
Ang tagumpay ng mga anak sa kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapalaki sa
kanila ng kanilang magulang.
Type answer...
75
Fill in the Blanks
Bakit mo ako pipilitin na kumain ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi rin kumakain
ng gulay!
Type answer...
76
Fill in the Blanks
Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulangang tila hindi malaman abf
mainam na gagawin maliban sa mandilat, umismid at manuro kay Indong.
Type answer...
77
Fill in the Blanks
Sa ilalim ng demokrasya ang ating pakahulugan sa tunay na kalayaan ay dapat
malinaw. Ang kalayaan ay hindi kasarinlan.
Type answer...
78
Fill in the Blanks
Kaming nga bantay-kanto ay kinatutuyuan daw nila ng dugo dahil mababaw raw
ang aming kaligayahan.
Type answer...
79
Fill in the Blanks
Pasyahan na ang kababaihan ay dapat magkaroon ng pantay na Karapatan o
ekwalidad sa kalalakihan sa lahat ng aspekto sa buhay.
Type answer...
80
Fill in the Blanks
Noong una talaga, nagdadalawang isip ako kung paniniwalaam ko ba ang mga
naririnig ko, ngunit nang Makita ko kung ano ang naging epekto ng apoy na galling
sa espada ng mga anghel, naiintindihan ko na lahat dahil ito ay pagpapakita ng
pakikipaglaban sa kasamaan.
Type answer...
81
Fill in the Blanks
Ang ibig sabihin nang paglalakbay ay pag-alis at pagpunta sa isang lugar upang
maranasan ang mga kultura rito.
Type answer...
82
Fill in the Blanks
Sa takot ni Pilato na maalis siya sa tungkulin bilang gobernadora, nagpakuha siya
ng tubig at sa harap ng mga tao ay nagsabing “Wala akong kasalanan sa dugo ng
banal na tao iyan. Kayo ang bahala”.
Type answer...
83
Fill in the Blanks
Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay
sapagkat hindi siya nagbalik-aral.
Type answer...
84
Fill in the Blanks
Nakipagsiksikan ako sa pawisan, at ngayo’y amoy-suka’t amoy-anghit ng mga
taong nakapaligid sa kung anong kasiya-siyang tanawin.
Type answer...
85
Fill in the Blanks
Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang nalalamon.
Type answer...
86
Fill in the Blanks
May mga bagay sa ating buhay na mahirap at hindi maipapaliwanag kung bakit
ito nangyayari. Maaring ito’y isnang trahedyang iniiwasan nating mangyari o isang
pangyayaring ating tinatawag na ‘hulog ng langit’.
Type answer...
87
Fill in the Blanks
Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang
magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak
Type answer...
88
Fill in the Blanks
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mahigit sa 4 milyong mga
bata ang napipilitang magtrabaho sa halip na mag-aral at maglaro.
Type answer...
89
PAGSASANAY 1
Pagbibigay ng argumento sa isang balita o isyu
90
Open Ended
Humanap ng anomang kliping sa diyaryo na naglalaman ng balita, editorial,
o iba pang uri artikulo na tumatalakay sa mga napapanahong lokal, pambansa, o
pandaigdigang isyu. Pumili lamang ng isang artikulo na may paksang mahalaga
sa iyo at gamitin mo ang uri ng pagpapahayag.
By Edgar Monte
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 90
SLIDE
Similar Resources on Wayground
85 questions
The Brainery Intro Chemistry Class
Presentation
•
9th - 12th Grade
78 questions
SOLUBILITY
Presentation
•
11th Grade
82 questions
Nederlands: Onschuldige sprookjes?
Presentation
•
9th - 12th Grade
90 questions
Subiectul I A- Teorie și itemi - Logică - Bacalaureat
Presentation
•
9th - 12th Grade
87 questions
Bộ câu hỏi Kinh thánh- Giáo xứ Lảnh Trì
Presentation
•
KG
85 questions
Economic Geography, Agriculture
Presentation
•
12th Grade
87 questions
KPWKP_q1_mod3_Konseptong Pangwika Homogeneous at Heterogeneous n
Presentation
•
11th Grade
88 questions
D. Walory Europy Zachodniej - Niemcy, Francja, Belgia, Holandia
Presentation
•
KG - University
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Other
26 questions
SLIME!!!!!
Quiz
•
KG - 12th Grade
20 questions
Cell Transport
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Budgeting
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Investing
Quiz
•
9th - 12th Grade
8 questions
DNA vs. RNA
Presentation
•
9th - 12th Grade
12 questions
Identify Rigid Transformations
Quiz
•
8th - 12th Grade
10 questions
Complementary, Supplementary, Vertical, and Linear Pairs
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Managing Credit
Quiz
•
9th - 12th Grade