
Pagiging Masinop
Presentation
•
Other, Life Skills, Education
•
2nd - 3rd Grade
•
Hard
Christian Galay
FREE Resource
3 Slides • 1 Question
1
Pagiging Masinop
By Christian Galay
2
Si Agatha Maaksaya
Ito si Agatha. Siya ay masayang naglalaro ng tubig sa gripo sa labas ng
kanilang bahay. Mag- iisang oras nang nakabukas ang gripo at patuloy lamang
ang pagsalok niya ng tubig sa kaniyang maliit na tabo at isinasalin ito sa maliit na lalagyan.
Maya-maya pa ay nakita siya ng kaniyang Nanay, “Agatha! Isara mo ang gripo! Huwag ka mag-aksaya ng tubig!” “Mamaya na ’Nay!” sagot ni Agatha. “Marami naman po tayong tubig ‘di ba?”. Sumagot ang kaniyang nanay, “Anak, hindi magandang nag-aaksaya ng tubig. Tigilan mo na ‘yan at kakain na tayo.”
Malungkot na isinara ni Agatha ang gripo ng tubig at dali-daling pumasok sa kanilang bahay.
3
Pagkatapos niyang magpunas ay umupo na siya upang mananghalian. Sa gutom niya ay kumuha siya ng napakaraming kanin. “Mauubos mo ba ’yan?” tanong ng tatay niya. “Hindi magandang nag-aaksaya ng pagkain, anak.” Napaisip si Agatha.
Madalas nga niyang hindi maubos ang pagkain na kaniyang kinukuha kaya ito ay nasasayang. Mulin siyang tumayo at ibinalik ang kanin na sa tingin niya ay hindi niya mauubos. “Pasensiya na po, tatay. Kukuha na lang po ako ng pagkain na kaya kong ubusin.” “Ganiyan nga, anak”, wika ng tatay. “Mahalaga ang pagiging masinop sa lahat ng bagay na ating ginagamit, tulad ng tubig, koryente at pagkain. Hindi natin dapat ito inaaksaya. Dapat tayo ay maging matipid at maingat sa lahat ng bagay na mayroon tayo.” At masayang nananghalian ang mag-anak.
4
Multiple Choice
Anong ugali ang ipinakita ni Agatha sa kuwento?
Pagiging masinop
Pagiging mapagbigay
Pagiging maaksaya
Pagiging matulungin
Pagiging Masinop
By Christian Galay
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 4
SLIDE
Similar Resources on Wayground
7 questions
Grupa 33
Presentation
•
3rd Grade
8 questions
Know Hindi Words Meaning
Presentation
•
2nd - 3rd Grade
2 questions
Diferentes Fontes de Renda
Presentation
•
KG
4 questions
Gramática
Presentation
•
2nd Grade
4 questions
Pińczów
Presentation
•
3rd Grade
6 questions
ESP 2: Aralin 6 - Pagkakaroon ng Disiplina
Presentation
•
2nd Grade
5 questions
Mahalagang Tanong (1st Qtr)
Presentation
•
3rd Grade
7 questions
Ako vznikne kniha - profesie
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade