
Q3W2-Filipino
Presentation
•
Other
•
6th Grade
•
Hard
ROSEMINDA BUEN
Used 13+ times
FREE Resource
15 Slides • 5 Questions
1
PAG IISA-ISA NG MGA ARGUMENTO NG BINASANG TEKSTO
By ROSEMINDA BUEN
2
1. Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan (F6PN-IIIe19)
2. Naiisa-isa ang mga argumento sa binasang teksto (F6PB-IIIe-23)
3
BALIK-TANAW:
Basahin ang nilalaman ng isang tekstong pang-impormasyon at sagutin ang kasunod na mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
4
Nag-umpisa na naman ang tag-ulan. Nangangahulugan lamang ito na maraming mga sakit ang maaaring umatake. Isa na sa mga sakit na maaaring makuha natin mula sa tag-ulan ay ang nakamamatay na Dengue Virus. Ang Dengue ay nagmumula sa isang virus na dala ng isang uri ng lamok na kung tawagin ay Aegis Aegypti. Ang lamok na ito ay umaatake mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Nabubuhay ang lamok na ito sa malinis na tubig taliwas sa kaalaman ng iba na ang mga kiti-kiti ay maaari lamang mabuhay sa maruming tubig. Karaniwang makikita ang mga kiti-kiti na maaaring pagmulan ng mga lamok na ito sa mga alulod, sirang mga gulong, at mga nakaimbak na tubig sa mga timba at drum na walang takip.
5
Multiple Choice
1. Saan nakukuha ang sakit na Dengue?
A. sa marumimg tubig
B. sa maruming hangin
C. sa maruming basura
D. sa kagat ng lamok na may dalang virus
6
Multiple Choice
2. Alin sa mga sumusunod na lugar ang maaaring pamugaran ng mga lamok na may Dengue Virus?
A. masikip
B. malinis
C. matubig
D. malawak
7
Multiple Select
3. Paano tayo makakaiwas sa sakit na Dengue?
A. Matulog nang maaga.
B. Magsuot ng mahahabang damit.
C. Huwag lumabas ng bahay mula umaga hanggang hapon.
D. Linisin ang kapaligiran at kumain ng masustansiyang pagkain.
8
Multiple Choice
4. Bakit kailangan nating sugpuin ang sakit na Dengue?
A. sapagkat nakakairita na ang mga lamok
B. sapagkat ang sakit na ito ay nakamamatay
C. sapagkat mahihirap lamang ang tinatamaan nito
D. sapagkat uso ngayon ang mga lamok sa paligid
9
Multiple Choice
5. Ano ang layunin ng awtor sa mga inilahad na impormasyon?
A. magpabatid
B. magmatuwid
C. mangaral
D. manako
10
PAGBASA
11
NASA
12
1. Ano ang tinatalakay sa tula?
2. Bakit may takip ang mata ng dilag na may hawak ng timbangan? Ano ang sinisimbolo nito?
3. Totoo nga kayang nagkakaroon ng kawalang-katarungan sa paggawad ng hustisya sa ating bansa? Patunayan.
4. Paano maaaring mahinto ang ganitong kalakaran? Sino-sino pa ang makatutulong sa mga biktima ng kawalang-katarungan upang makamit ang patas na hustisya?
5. Anong mensahe ang ipinararating ng tula sa mambabasa?
13
A. Pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan
***Ang pagbubuod ay pagtatala ng mahahalagang ideya at mga sumosuportang ideya o datos ng mga nabasa o napakinggang teksto, artikulo, balita, panayam, isyu at iba pa sa sariling pananalita.
14
Mga paraan na dapat tandaan sa pagbubuod:
1. Basahin muna nang buo ang kuwento o ang nais mong ibuod.
2. Alamin mo ang pinakapaksa nito.
3. Maaari ka nang magsimulang magbuod kapag natipon na ang lahat ng impormasyon.
4. Iwasang maglagay ng mga detalye katulad ng halimbawa at ebidensiya.
5. Mainam na gumamit ng mga salita na nagbibigay transisyon tulad ng kung gayon, gayunman at bilang pangwakas.
6. Huwag ka ring magsingit ng mga opinyon.
15
B.Pag-iisa-isa ng mga argumento sa binasang teksto
Ang argumento ay paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.
Ang layunin nito ay upang baguhin ang takbo ng pag-iisip ng mambabasa at hikayatin silang kumilos at tanggapin ang kaniyang paliwanag tungkol sa isang suliranin o konsepto.
16
PANGWAKAS NA GAWAIN:
GAWIN ITO SA MALINIS NA PAPEL AT IPASA THRU MESSENGER O PM.
17
Basahin at unawain mong mabuti ang seleksyon.
"Mas Makapangyarihan ang mga Lalaki"
18
Sa ilang dahilan, iginigiit ng mga lalaki ang kanilang kapangyarihan sa maraming paraan. Mas malalakas ang lalaki. Matagal silang mapagod. Pansinin lamang kung paano sila magbasketbol, o maglipat ng sako-sakong bigas sa trak, o kumayod bilang karpintero. Mas matatapang ang lalaki. Hindi sila sumisigaw kapag nakakakita ng daga, alam nila ang gagawin kapag nakaharap ang ahas, at hindi sila natatakot maglakad sa madidilim na lansangan kung gabi. Mas matitipid ang lalaki. Iisang barong Tagalog ang maaari nilang isuot sa bawat pagtitipon. Maaari rin iisa lamang ang kanilang kurbata at iisa rin ang pares ng pantalon. Higit na mapag-isip ang lalaki. Hindi sila padalos-dalos. Malinaw nilang napaghihiwalay ang tama sa mali. Hindi napangingibabawan ng damdamin ang kanilang mga pagpapasya. Sumasang- ayon ka ba na mas makapangyarihan ang mga lalaki sa mga babae?
19
1. Ano ang mga dahilan kung bakit iginigiit ng mga lalaki na mas makapangyarihan sila kaysa sa mga babae?
a}
b}
c}
2. Ibuod ang lathalain batay sa balangkas. ipagpatuloy ang pangungusap sa ibaba.
***Iginigiit ng mga lalaki na mas makapangyarihan sila dahil____________________________________________.
20
THANK YOU !!!
ROSEMINDA B. BUEN-GURO SA FILIPINO
PAG IISA-ISA NG MGA ARGUMENTO NG BINASANG TEKSTO
By ROSEMINDA BUEN
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 20
SLIDE
Similar Resources on Wayground
14 questions
Filipino
Presentation
•
6th Grade
16 questions
Sport 3
Presentation
•
6th - 7th Grade
12 questions
Situações problemas envolvendo as quatro operações matemáticas.
Presentation
•
6th Grade
16 questions
Pandiwa at Aspekto Nito
Presentation
•
5th - 6th Grade
11 questions
Variety
Presentation
•
KG
18 questions
SIMULADO 3º TRIM - 6º ANO
Presentation
•
6th Grade
17 questions
POVOS ORIGINÁRIOS
Presentation
•
6th Grade
13 questions
Dobrodružná literatura
Presentation
•
6th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Other
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
10 questions
Columbus Day and Indigenous People's Day
Interactive video
•
5th - 8th Grade
20 questions
Elements, compounds, and mixtures
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Area of Parallelograms and Triangles
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Add and Subtract Integers
Quiz
•
6th - 8th Grade
28 questions
SMS Staff by the Numbers
Quiz
•
6th - 8th Grade
14 questions
Explore Integers and Rational Numbers
Quiz
•
6th Grade