
QUARTER 2_WEEK-2_ESP 6
Presentation
•
Other
•
6th Grade
•
Hard
Sheryl Cusipag
Used 3+ times
FREE Resource
20 Slides • 0 Questions
1
by Sheryl Cusipag
2
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang mauunawaan mo kung paano mo maipapakita na ang pagmamalasakit sa kapuwa ay nagpapatibay ng pagsasamahan at pagkakaibigan at higit sa lahat matututuhan mong:
matukoy ang paraan ng pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapuwa;
maipaliwanag kung paano mapapanatili ang mabuting pakikipagkaibigan; at
mailahad kung paanong ang pagtulong ay magiging daan sa pakikipagkaibigan
3
Panuto: Sa iyong sagutang papel isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung ang pahayag ay hindi wasto.
1. Ang haplos sa kamay o sa balikat habang nakikipag-usap ka sa iyong pamilya o kaibigan ay nagpapakita ng tunay mong pagmamalasakit sa kaniya.
2. Ang positibong panghihikayat sa iba ay hindi nakakatulong sa kanila na nag-iisip na hindi na sila makakaalis sa isang sitwasyon.
3. Nakatutulong ka sa iba sa pagpapakita mo ng kabaitan sa kanila.
4. Ang pagpapakita ng tunay na damdamin sa iba ay hindi nagpapakita ng pamamaraan ng pagmamalasakit sa pamilya, kaibigan, maging kakilala o kahit estranghero.
4
6. Ang kawalang paggalang at konsiderasyon ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapuwa.
7. Ang pagmamalasakit sa kapuwa ay ang pinakamagandang uri ng pagmamahal na naibibigay ng tao sa kanilang kapuwa.
8. Ang pag-iwas sa tsismis ay nagpapakita ng paggalang at pagrespeto sa kapuwa.
9. Kung gagawa ka ng kabutihan sa kapuwa, gawin mo ito nang walang hinihintay na kapalit.
10. Dapat tayong maging mapagmalasakit hindi lamang para sa ating kapakanan kundi sa kapakanan din ng iba.
5
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama
6. Mali
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10. Tama
6
Bawat isa sa atin ay nangangailangan ng pagkalinga, pakikisalamuha o pag- aalaga ng pamilya, kaibigan, kapitbahay, kababayan, o iba pa. At dahil kailangan natin ang ibang tao, hindi kataka-taka na isipin din natin na mapasaayos sila at maibigay ang kanilang mga pangangailangan. May pagkakataon pa nga na kahit magsakripisyo tayo ay ayos lang, lalo na kung ito ay para sa mga nahihirapan at iba pa na nangangailangan ng tulong.
7
Tingnan ang larawan sa ibaba. Ano ang ginagawa ng samahan ng mga mag-aaral? Ano kaya ang nararamdaman dito ng mga batang may sakit at ng kanilang mga magulang?
Alalahanin ang iyong mga naging karanasan. Mayroon ka rin bang ginawa na maihahalintulad sa ginawa ng mga bata? Saan ito nangyari? Anong tulong ang iyong ginawa? Ano ang maidudulot nito sa iyo?
8
Isang Kapuri-puring Proyekto
Malalim ang iniisip ni Karen nang dumating sina Carla at Daisy. “Ano ang iniisip mo?” tanong ng magkaibigan.
“Nag-iisip ako ng isang magandang proyekto para sa ating club ngayong taon. Nasa ikaanim na baitang na tayo at malapit nang pumasok sa sekundarya. Nais kong magkaroon tayo ng isang malaking proyekto bago tayo magtapos,” paliwanag ni Karen.
“Mayroon ba kayong mungkahi?” tanong pa ni Karen.
“Mas mabuting magpatawag ka ng pulong,” sagot ng dalawa.
9
“Marahil, alam na ninyo kung ano ang pag-uusapan natin ngayon dito. Nais naming malaman ang inyong mga mungkahi para sa proyekto natin ngayong taon,”sabi ni Karen.
“May kakilala ang tiyahin ko sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sinabi niya sa akin noong isang araw na kailangan nila ng mga boluntaryo para magturo ng pagbuburda sa mga batang lansangan. Maaari ba tayong magboluntaryo?”
10
Nakipag-ugnayan sila sa tagapamahala sa DSWD upang malaman ang kanilang dapat gawin. Magiliw naman silang tinanggap at inaprubahan ang kanilang proyekto.
Nagsimula ang unang araw ng kanilang pagtuturo nang sumusunod na Sabado.
Ipinakilala sila ng tauhan ng DSWD at inilahad ang kanilang layunin sa pagpunta.
Masayang binati ng mga batang lansangan ang mga miyembro ng club. Mga babae ang karamihan sa kanila.
11
Sa sumunod na sesyon, matiyagang tinuruan ng Needlecraft Club ang mga batang lansangan. Pagkaraan ng isang buwan, maraming bata ang nakapagbuburda na. Nagpaligsahan pa sila para sa pinakamagandang disenyo.
“Tila nawiwili ang mga mag-aaral. Masaya sila sa kanilang ginagawa. Cross- stitching naman ang isunod nating leksiyon,” mungkahi ni Tina.
Iba’t ibang kasanayan ang itinuro ng Needlecraft Club sa mga bata. Ibang klaseng kasiyahan ang nadama ng mga miyembro ng club sa bawat leksiyon na ibinigay nila. Hindi lamang sila mga tagapagturo sa mga bata, naging mga kalaro at kaibigan din sila. Habang nagbuburda, nakikipagkuwentuhan sila sa mga bata. Marami silang nalaman tungkol sa kanilang mga buhay.
12
Isang araw, nagulat ang mga miyembro ng club nang makatanggap sila ng isang imbitasyon mula sa Mayor ng bayan. Iniimbita sila upang tanggapin ang isang plake ng pagkilala para sa kanilang kapuri-puring proyekto.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Anong proyekto ang napagkasunduang isagawa ng Needlecraft Club?
2. Paano nila nagawang tulungan ang mga batang lansangan?
3. Naranasan mo na rin bang makilahok sa ganitong uri ng gawain? Ilahad ang naging karanasan mo .
4. Paano pa tayo maaaring makatulong? Sa paanong paraan ito magiging daan sa pakikipagkaibigan?
13
Ang pagmamalasakit sa kapuwa ay ang paggawa ng mabuti sa ibang tao nang walang hinihintay na kapalit. Ang pagmamalasakit sa kapuwa ay maipapakita sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila at pamamahagi ng biyaya. Bukod dito, maipapakita rin ang pagmamalasakit sa pamamagitan ng paglalaan ng oras at lakas para sa ikabubuti ng kapuwa.
Ang iba pang simple at konkretong halimbawa tungkol sa kung paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa iyong kapuwa ay nasa ibaba.
1. Pagtulong sa pagbuhat ng kagamitan ng iyong kaklase na maraming dala-dala.
14
3. Pagtulong sa iyong magulang sa paggawa ng mga gawaing bahay (paghuhugas ng pinggan, pagwawalis ng sahig, paglalaba at pagtutupi ng damit, pagpupunas ng mga kagamitan).
4. Pag-aaral nang mabuti. Ang pag-aaral nang mabuti ay isang mabisa at simpleng paraan upang maipakita ang pagmamalasakit natin sa ating mga magulang.
5. Pagbibigay ng mga lumang damit, pagkain at iba pang kagamitan sa mga kababayang nasalanta ng mga kalamidad.
15
Ang pagmamalasakit sa kapuwa ay ang paggawa ng mabuti sa ibang tao nang walang hinihintay na kapalit. Ang pagmamalasakit sa kapuwa ay maipapakita sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila at pamamahagi ng biyaya. Bukod dito, maipapakita rin ang pagmamalasakit sa pamamagitan ng paglalaan ng oras at lakas para sa ikabubuti ng kapuwa.
Mahalaga na matutuhan mo kung paano makipamuhay nang maayos at kung paano makapag-ambag sa pagkakaisa at makapagpapakita ng pagmamalasakit sa kapuwa na magpapatibay sa pagsasamahan at pagkakaibigan.
16
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapuwa at isulat ang MALI kung ito ay nagpapahiwatig ng hindi pagmamalasakit sa kapuwa.
___1. Hinihintay kong dumating ang ibang miyembro ng aking pamilya bago ako kumain ng hapunan.
___2.Hindi ko ibinibigay sa aking kapatid ang pagkain na ipinabibigay sa kanya ng aking lolo.
___3.Hinahayaan kong nakabukas ang pintuan ng aming bahay kapag umaalis ako ng bahay kahit alam ko na walang taong maiiwan dito.
___4.Tumutulong si Ana sa mga gawaing bahay upang hindi mahirapan ang kanilang kasambahay
17
___6. Hinahayaan ni Maria ang mga nakakalat na basura sa harap ng kanilang bahay kahit na alam niyang nakakasagabal ito sa mga dumaraang sasakyan.
___7. Matiyagang dinadala ni Rosa sa lagayan ng maruruming plato ang pinagkainan niya sa kantina.
___8. Matiyagang tinuturuan ng mga magkakaibigan ang mga batang kalye na hindi marunong bumasa.
___9. Hinahanap ng guro ninyo ang kaklase mong lumiban sa klase. Alam mong may sakit ito subalit hindi mo ito sinabi sa inyong guro.
___10. Nakita mong masasagasaan ng rumaragasang sasakyan ang tumatakbong bata sa gilid ng kalsada subalit hinayaan mo lamang siya sa pagtakbo.
18
Tamang Sagot
1.Tama
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Tama
6. Mali
7. Mali
8. Tama
9. Mali
10. Mali
19
Quarter 2,Week 2
November 24,2021
1. Pagyamanin, p.8
2. Isaisip,p. 9
3. Isagawa,p. 10
4. Karagdagang Gawain, p.12
Deadline of Submission: November 27,2021
20
Ingat palagi...!!!
by Sheryl Cusipag
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 20
SLIDE
Similar Resources on Wayground
13 questions
CÂU CHUYỆN NHỮNG CỦ KHOAI TÂY
Presentation
•
5th Grade
15 questions
Q4 M3: Pag-asa, Nagpapaunlad ng Ispiritwalidad
Presentation
•
6th Grade
15 questions
Mediana în triunghi
Presentation
•
6th Grade
15 questions
Q4 M4: Ugnayan sa Diyos at Pagmamahal sa Kapwa
Presentation
•
6th Grade
15 questions
chóras oideachais na sualainne
Presentation
•
KG
16 questions
QUARTER 2_WEEK 1_ESP 6
Presentation
•
6th Grade
16 questions
Pang-uring Pamilang
Presentation
•
5th Grade
16 questions
Filipino 5 Aralin 3 Pasasalamat
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Other
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
10 questions
Columbus Day and Indigenous People's Day
Interactive video
•
5th - 8th Grade
20 questions
Elements, compounds, and mixtures
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Area of Parallelograms and Triangles
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Add and Subtract Integers
Quiz
•
6th - 8th Grade
28 questions
SMS Staff by the Numbers
Quiz
•
6th - 8th Grade
14 questions
Explore Integers and Rational Numbers
Quiz
•
6th Grade