
Pagpapakita ng Katapatan sa Paggawa at Pakikiisa
Presentation
•
Life Skills
•
5th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Dominic Liquido
Used 4+ times
FREE Resource
15 Slides • 10 Questions
1
by Dominic Liquido
2
Sa araling ito, tatalakayin ang tungkol sa katapatan sa paggawa sa mga gawaing may kinalaman sa iyong pag-aaral. Ipauunawa sa iyo ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga takdang gawain ng hindi nandaraya.
3
Kagaya ng tagubilin ng Kagawaran ng Edukasyon, layon nitong maikintal sa iyong isip at puso ang Honesty is the Best Policy.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan. Layon din nito na ikaw ay nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain.
4
Nami-miss mo na bang bumalik sa iyong silid aralan at Makita ang iyong guro at mga kamag-aaral? Natatandaan mo ba ang itsura ng iyong dating klasrum? Pagmasdan ang larawan.
5
​
6
Open Ended
Ano ano ang nakikita sa larawan na katulad ng mayroon sa dati mong silid aralan?
7
Open Ended
Ano ang pinakamasayang alaala mo sa klasrum?
8
Open Ended
Napapansin mo ba dati ang nakalagay sa pader na “Honesty is the Best Policy”? Ano ang ibig sabihin nito?
9
Marahil ay hindi mo nabibigyang pansin ang “Honesty is the Best Policy” na nakalagay sa pader ng inyong silid aralan. Kung nabasa mo naman ito, baka hindi pa lubusan ang pagkaunawa mo sa kasabihang ito.
10
Ang honesty ay katumbas ng salitang katapatan o pagiging matapat. Ang taong matapat ay nagsasabi ng katotohanan sa lahat ng panahon. Kumikilos siya ng wasto o tama kahit walang nakatingin. Hindi siya nandaraya o nanlalamang sa kapwa. Ginagawa niya ang anomang tungkulin na nakaatas sa kanya ng hindi nangongopya. Nakikipagkaisa rin siya sa mga gawain tungo sa ikatatapos ng mga ito sa tamang paraan.
11
Open Ended
Masasabi mo bang ikaw ay tapat? Ano ano ang kilos na palatandaan ng pagpapakita ng katapatan sa mga gawing may kinalaman sa pag-aaral?
12
sinasagot mo ang mga katanungan na hindi tinitingnan ang susi sa pagwawasto.
binabasa mo ang lahat ng nakapaloob sa mga aralin.
isinasagawa mo ang mga gawain at hindi ito ipinagagawa sa iba.
tinutupad mo ang ipinangako o sinabing gagawin na mag-aaral.
nakikiisa ka sa mga gawain na kinakailangang may ka-pangkat.
13
Open Ended
May iba ka pa bang naiisip na paraan upang maipakita mo ang iyong katapatan sa pag-aaral lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic? Bakit ito mahalaga?
14
​
15
Ikalimang linggo na mula nang mag-umpisa ang pasukan. Dahil ipinagbabawal pa ang pagpunta sa paaralan, sa pamamagitan lamang ng ipinadadalang modyul nakapag-aaral ang maraming bata. Isang araw, nagpadala ng mensahe sa mga nasa ikalimang baitang si Gng. Tombado. Sinabi niyang gawin ang gawain sa pagkatuto sa pahina 24.
16
Nagmadaling nagbasa ng modyul si Yuri. Ginawa niya agad ang atas ng guro. Samantala, si James naman ay naglaro muna. Gabi na nang maalala niya ito at pagod na. Ipinagawa na lang niya ito sa kanyang ina.
17
Kinabukasan ay ipinapasa na ng guro ang kanilang ginawa.
“Napakaganda ng gawa ni James,” sabi ng guro. “Mahusay!,” dagdag nito. Taas noong ipinagmalaki ito ng bata. Kahit mababa ang nakuhang grado, ayos lang si Yuri. Inisip niya na lang na pinaghirapan niya ito.
18
Nang magkaroon ng online discussion ang klase ay tinanong ni Mrs. Tombado ang mga bata tungkol sa kanilang ginawa. Namula habang hiyang-hiya sa James dahil hindi siya makasagot. Hindi niya alam ang sasabihin dahil hindi siya ang gumawa. Palakpakan naman ang lahat kay Yuri. Mahusay niyang naipaliwanag dahil siya mismo ang gumawa.
19
Mula noon ay napagtanto ni James na lubhang mahalagang maging matapat sa mga gawaing pampaaralan.
20
​
21
Open Ended
Ano ang ipinagawa ni Mrs. Tombado sa mga mag-aaral?
22
Open Ended
Ano ang ginawa ni James?
23
Open Ended
Ano ang ginawa ni Yuri?
24
Open Ended
Sino sa kanila ang kapuri-puri na dapat mong tularan? Ipaliwanag
25
Open Ended
Anong mahalagang aral ang natutuhan ng mga bata na dapat mo ring malaman?
by Dominic Liquido
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 25
SLIDE
Similar Resources on Wayground
20 questions
Review Day
Presentation
•
5th Grade
19 questions
Revision U3
Presentation
•
5th Grade
20 questions
GIA ĐÌNH THÔNG THÁI
Presentation
•
5th Grade
21 questions
EPP(HE) Quarter 3 Week 3
Presentation
•
5th Grade
18 questions
Isomeria Espacial (Geométrica)
Presentation
•
KG
20 questions
Wędrówka z Abrahamem - katecheza dla klasy 5
Presentation
•
5th Grade
21 questions
Jaki to sport?
Presentation
•
4th Grade
20 questions
Séance 1 TD droit de la responsabilité civile
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade