Search Header Logo
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Assessment

Presentation

•

Social Studies

•

10th Grade

•

Practice Problem

•

Medium

Created by

MELISSA BINAYAS

Used 8+ times

FREE Resource

13 Slides • 10 Questions

1

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

by MELISSA S. BINAYAS

​Q1-W1-D1

​Layunin: Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng

​ Kontemporaryung Isyu.

2

​Suriin ang mga larawan. Pumili ng isang larawan na sa tingin mo ay nakakaapekto sa'yo at sa lipunan.
media
media
media
media

​Tanong: Balit ito nakakaapekto sa iyo at sa lipunan?

3

​KONTEMPORARYONG ISYU
media

kasalukuyan​

suliranin, tema o paksa na may ​sa lipunan, bansa o sandaigdigan

media
media

​Ito ay mga pangyayari na nagdudulot ng nagpapabago sa kalagayan ng ating lipunan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon.

​

​Ito ay ang anumang pangyayari na pinag-uusapan, na nagiging dahilan ng debate o pagpapahayag ng opinyon na may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

4

​Kailan maituturing na ang isang isyu o pangyayari ay Kontemporaryong Isyu?
media
  • Mahalaga at makabuluhan sa lipunan

  • Malinaw ​ang epekto sa lipunan at mamamayan

  • ​Kasalukuyang nangyayari

  • ​May mabuti at hindi mabuting impluwensya sa lipunan

5

​Mga Kasanayang Kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
  1. Alamin ang Primarya at Sekundaryang Sanggunian​

    PRIMARYA - mga orihinal na tala ng mga pangyayari ang pinagkunan ng impormasyon.​ Halimbawa: Larawan, Talambuhay

​

​ SEKUNDARYA - isinulat ng mga taong walang direktang kinalaman sa mga pangyayaring itinala. Halimbawa: Encyclopedia, Dokumentaryo

6

​2. Pagtukoy sa Katotohanan o Opinyon

​Katotohanan - makatotohanang pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga primaryang sanggunian. Halimabawa: tinatayang milyong katao na ang naapektuhan ng COVID19 sa buong mundo

​Opinyon - ito ay maaaring kuro-kuro, palagay, o haka-haka lamang. Nagpapahiwatig ng saloobin ng isang tao tungkol sa inilahad na katotohanan.

​3. Pagtukoy sa Pagkiling (Bias)

​Ang paglalahad ay dapat balanse. Ito ay walang dapat kinikilingan. Ihayag ang kabutihan at hindi kabutihang epekto ng isang isyu

7

​4. Pagbuo ng Hihinuha, Paglalahat at Konklusyon

​PAGHIHINUHA

media

​kailangang gamitin ang kaalaman at mga karanasan tungkol sa paksa o babasahin upang matuklasan ang nakatagong mensahe o kaisipan.

​PAGLALAHAT

media

​hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng konklusyon.

​KONKLUSYON

media

​ito ay desisyon, kaalaman o ideyang nabuo pagkatapos ngpag-aaral, obserbasyon, at pagsusuri ng pagkakaugnay ng mahahalagang ebidensya o kaalaman.

8

media

​Bakit mahalagang pag-aralan ang Kontemporaryong Isyu?

​ Para magkaroon tayo ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan at upang maunawaan natin ang mga sanhi at bunga nito sa isang lipunan at bansa.

media

​Nalilinang ang ating isipan para maging mapanuri, magkaroon ng matalinong pagpapasya at maging malawak ang ating pananaw sa ibat-ibang isyung panlipunan.

media

​ Natututo tayong pahalagahan ang kultura at paniniwala ng iba kahit ito ay salungat sa sarili nating paniniwala o pananaw.

media

​ Maunawaan natin na tayo ay may bahaging ginagampanan sa pagkakaroon ng mga isyung panlipunan.

media

​ para makatulong tayo upang maging aktibong kabahagi ng mga programa at polisiya na naglalayong bigyan ng katugunan ang mga suliranin

media

9

​GAWAIN #1 PANUTO: Isulat kung ang mga isyung panlipunan ay tumatalakay sa PANGKAPALIGIRAN, PANLIPUNAN / POLITIKA, PANGKALUSUGAN, PANGKALAKALAN / EKONOMIYA o PANGKASARIAN

10

media

11

Multiple Choice

1. Paglaganap ng COVID 19 sa buong mundo.

1

PANGKAPALIGIRAN

2

PANGKALUSUGAN

3

PANGKALAKALAN

4

PANGKASARIAN

12

Multiple Choice

Pagpapasara ni Pangulong Duterte sa Boracay sa loob ng 6 na buwan.

1

PANGKASARIAN

2

PANLIPUNAN / POLITIKA

3

PANGKALAKALAN / EKONOMIYA

4

PANGKALUSUGAN

13

Multiple Choice

Pagrereklamo ni Gretchen Diem sa Senado dahil hindi siya pinayagang gumamit ng CR na pambabae.

1

PANGKALAKALAN / EKONOMIYA

2

PANGKAPALIGIRAN

3

PANGKASARIAN

4

PANGKALUSUGAN

14

Multiple Choice

Pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine

1

PANGKASARIAN

2

PANLIPUNAN / POLITIKA

3

PANGKAPALIGIRAN

4

PANGKALUSUGAN

15

Multiple Choice

Pagsulong ng paksang Gender and Development sa lahat ng ahensya ng pamahalaan

1

PANGKASARIAN

2

PANGKALAKALAN / EKONOMIYA

3

PANGKALUSUGAN

4

PANLIPUNAN / POLITIKA

16

​GAWAIN #2 Panuto: Tukuyin ang uri ng pahayag na ipinakikita sa bawat sitwasyon. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa patlang.

17

Fill in the Blanks

1. Ang COVID19 ay isang uri ng virus na na nakukuha sa hayop tulad ng paniki.

BIAS    OPINYON    KATOTOHANAN    HINUHA    KONKLUSYON

Type answer...

18

Fill in the Blanks

2. Ang isang taong malusog ay hindi mahahawaan ng COVID19.

BIAS    OPINYON    KATOTOHANAN    HINUHA KONKLUSYON

Type answer...

19

Fill in the Blanks

3. Ang COVID19 ay isang artipisyal na virus na nakalabas mula sa isang laboratory.

BIAS    OPINYON    KATOTOHANAN    HINUHA      KONKLUSYON

Type answer...

20

Fill in the Blanks

4. Ang COVID19 ay hinayaang kumalat sa buong mundo upang makapagbenta ng gamot at Vaccine ang malalaking Pharmaceuticals o malalaking kompanya ng gamot.

BIAS    OPINYON    KATOTOHANAN    HINUHA      KONKLUSYON

Type answer...

21

Fill in the Blanks

5. Ang COVID19 ay isang problemang pangkalusugan na hanggang sa ngayon ay wala pang malinaw at konkretong solusyon.

BIAS    OPINYON    KATOTOHANAN    HINUHA      KONKLUSYON

Type answer...

22

​Sagutan ang Gawain 3, 4, at Pagtataya mula sa inyong Modyul.

23

media

​Salamat sa inyong atensyon at kooperasyon. Magkita-kita ulit tayo sa susunod na aralin.

media

​Ma'am Melissa S. Binayas

pattern-tertiary
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

by MELISSA S. BINAYAS

​Q1-W1-D1

​Layunin: Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng

​ Kontemporaryung Isyu.

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 23

SLIDE