

Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino
Presentation
•
Social Studies
•
4th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Teacher Teresa
Used 15+ times
FREE Resource
23 Slides • 0 Questions
1
Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino
AP 4 - Aralin 2

2
Karapatan
Ito ay anumang bagay o paglilingkod na tinatamasa ng isang tao
nang naaayon sa batas.
3
Tatlong Uri ng Karapatan
1. Likas na mga Karapatan
2. Karapatang Konstitusyonal
3. Karapatang Kaloob ng Batas
4
1. Likas na mga Karapatan
(Natural Rights)
Ito ay ang mga karapatan na kaloob sa atin ng Diyos upang maging maligaya ang ating pamumuhay. Isang halimbawa ay ang karapatan nating mabuhay.
5
2. Karapatang Konstitusyonal (Constitutional Rights)
Ito ang karapatang ipinagkakaloob at pinangangalagaan o binibigyang-proteksiyon ng ating Konstitusyon. Maaaring baguhin, dagdagan o alisin ang mga ito sa pamamagitan ng mga susog sa ating Konstitusyon.
6
3. Karapatang Kaloob ng Batas
(Statutory Rights)
Ito ay tumutukoy sa mga karapatang ipinagkakaloob ng mga batas na pinagtibay ng Sangay Tagapagbatas ng Pamahalaan. Ilang halimbawa nito ay ang karapatang tumanggap ng naaayon sa itinakdang pinakamababang sahod, karapatang magmana ng ari-arian mula sa mga magulang, at karapatang makapag-aral nang libre sa pampublikong paaralan.
7
Ayon sa Konstitusyon, ang mga karapatan ng bawat mamamayan ay nauuri sa sibil, politikal, panlipunan, pangkabuhayan, at karapatan kapag nasasakdal.
Ang mga ito ay maaaring baguhin, dagdagaan, o tanggalin sa pamamagitan ng susog sa Konstitusyon.
8
Mga Karapatang Sibil (Civil Rights)
May kaugnayan ang mga karapatang ito sa ating karapatang lumigaya at mabuhay nang matiwasay.
Bagama’t likas ang mga karapatang ito at hindi likha ng anumang batas, pinangangalagaan pa rin ang mga ito ng ating batas.
Ang mga karapatang sibil ay nauukol sa pagtatamasa ng mga mamamayan ng kapayapaan at kaligayahan sa buhay.
9
• Karapatang mabuhay
• Karapatang magsalita at ipahayag ang sarilI
• Karapatang hindi mabilanggo dahil sa pagkakautang
• Karapatang magkaroon ng tirahan at ari-arian
• Karapatan laban sa sapilitang paglilingkod
• Karapatan sa pantay na proteksiyon sa batas
• Karapatan sa di-makatuwirang pagdakip at paghalughog
• Karapatan sa mabilis napaglilitis
10
Mga Karapatang Politikal (Political Rights)
Bawat mamamayang Pilipino na nasa tamang edad ay may karapatang lumahok sa pagtatatag o pamamalakad ng pamahalaan.
Nakapipili tayo ng ihahalal na mga pinuno. Malaya nating maipapahayag ang ating mga hinaing at mungkahi. Makapagsasampa tayo ng kaso upang ituwid ang ma naging paglabag sa ating mga karapatan.
Ang karapatang politikal ay nauukol sa ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan.
11
Karapatang bumoto
• Karapatan sa pagkamamamayan
• Karapatang magpetisyon
• Kalayaang magsalita, maglimbag, at magtipon-tipon
• Karapatang bumuo ng samahang hindi labag sa batas
• Karapatang gumanap ng tungkuling pampubliko
• Karapatang alamin ang mahahalagang impormasyon ukol sa pamamalakad ng pamahalaan
12
Mga Karapatang Panlipunan (Social Rights)
Ito ay may kaugnayan sa relasyon o ugnayan ng mga tao sa isa’t-isa.
Ang mga karapatang ito ay nakatutulong sa pangangalaga ng kapakanang panlipunan ng mga mamamayan.
13
Karapatang pumili ng relihiyon
• Karapatang maglakbay
• Karapatan sa lihim na korespondensiya at komunikasyon
14
Mga Karapatang Pangkabuhayan (Economic Rights)
Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng pagkakakitaan at pagkakataong tumuklas at magsagawa ng ikabubuhay.
Ang mga karapatang pangkabuhayan ay tumutulong sa pangangalaga sa kapakanan ng kabuhayan ng mga mamamayan .
15
• Karapatang pumili ng propesyon o hanapbuhay
• Karapatang maging ligtas sa maruming kapaligiran at pagawaan
• Karapatang makinabang sa mga likas na yaman
• Karapatang bayaran nang wasto sa pribadong ari-arian na ginamit ng pamahalaan
• Karapatan sa edukasyon
• Karapatan sa pagmamay-ari
16
Mga Karapatan kapag Nasasakdal (Rights of the Accused)
Pinangangalagaan nito ang mga karapatan ng mga taong akusado o nasasakdal sa anumang paglabag sa batas.
Sa katunayan, ang karapatan kapag nasasakdal ay isang karapatang sibil. Pinangangalagaan ng karapatang sibil na ito ang nasasakdal laban sa anumang kasalanan sa pamamagitan ng makatarungang paglilitis.
17
Karapatang marinig sa hukuman
• Karapatang malaman ang kaso laban sa kaniya
• Karapatang pumili ngmagaling na abogado
• Karapatan sa madalian at walang kinikilingang paglilitis
• Karapatang magkaroon ng testigo
• Karapatang tumanggap ng sapat na tulong
• Karapatang magbayad ng piyansaupangpansamantalangmakalaya
• Karapatan laban sa malupit at di-makataongpagparusa
• Karapatang maituring na walang kasalanan o inosente hanggang hindi napapatunayan ng korte
• Karapatan laban sa dalawang ulit na kaparusahan sa iisang kasalanan
• Karapatang makaharap ang umaakusa at mga saksi
18
Mga Karapatan ng mga Bata
19
Ang Samahan ng Nagkakaisang mga Bansa (UnitedNations) ay bumuo ng Pandaigdigang Kasunduan ng mga Karapatan ng mga Bata (Universal Declaration of Children’s Rights) upang tugunan ang pang-aabuso sa mga bata sa iba‘t-ibang panig ng mundo.
20
• Karapatang mabuhay
• Karapatang maging malusog
• Karapatang magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
• Karapatang magtamasa ng maayos na pamumuhay kahit may kapansanan
• Karapatang alagaan at mahalin ngmagulang
21
• Karapatang ampunin kung ito ang higit na makabubuti
• Karapatan sa sapat na pagkain, damit, at tirahan
• Karapatan sa sapat na edukasyon
• Karapatang maprotektahan laban sa diskriminasyon
• Karapatan sa malayang pagpapahayag ng sarili
samantalang paghahanap-buhay
22
• Karapatan sa malayang pag-iisip, budhi, at relihiyon
• Karapatang magpahinga at maglaro
• Karapatansa impormasyong kapaki-pakinabang
• Karapatan sa malayang pagsalisa samahan at mapayapang pagpupulong
• Karapatan na mabigyan ng proteksiyon laban sa pagdukot at pagbebenta ng mga bata
23
• Karapatan na mabigyan ng proteksiyon laban sa armadong labanan
•Karapatang mabigyan ng proteksiyon laban sa malupit naparusa
• Karapatang mabigyan ng proteksiyon sa mga bawal na gamot
• Karapatan na mapangalagaan laban sa sekswal na pagma-malabis
• Karapatang mapangalagaan sa pagsasamantalang paghahanap-buhay
Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino
AP 4 - Aralin 2

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 23
SLIDE
Similar Resources on Wayground
16 questions
Araling Panlipunan
Presentation
•
5th Grade
16 questions
TD Responsabilité séance 7
Presentation
•
KG
15 questions
TD 10 droit de la responsabilité civile
Presentation
•
KG
18 questions
Q3 AP5 W5
Presentation
•
5th Grade
19 questions
ARTS-4
Presentation
•
4th Grade
17 questions
Mahabang Pagsusulit sa Filipino
Presentation
•
4th Grade
20 questions
Week 6 ESP 4
Presentation
•
4th Grade
20 questions
La Grèce antique
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Social Studies
14 questions
Age of Exploration
Quiz
•
4th Grade
22 questions
Northeast states and capitals
Quiz
•
4th Grade
9 questions
Hardships In Jamestown Vs.3f
Quiz
•
4th - 5th Grade
11 questions
Northeast Region States
Quiz
•
4th Grade
5 questions
Math GI 2.1.4 Quiz Review
Presentation
•
1st - 5th Grade
25 questions
Virginia Studies Regions/Rivers
Quiz
•
4th Grade
12 questions
Unit 3 VS.3d
Presentation
•
4th Grade
5 questions
The Boston Massacre
Interactive video
•
4th Grade