

GAMIT NG TUNOG
Presentation
•
Science
•
3rd Grade
•
Practice Problem
•
Hard
CATHALINE AGUIFLOR
Used 27+ times
FREE Resource
31 Slides • 0 Questions
1
GAMIT NG TUNOG
QUARTER 3 WEEK 7

2
Ang tunog ay isang anyo ng enerhiya na nalilikha sa pamamagitan ng pag-vibrate na nalilikha sa pag-urong-sulong ng isang bagay.
3
Ang malakas na vibration ay nakalilikha ng malakas na tunog samantalang ang maikli at mahinang vibrations ay nakalilikha naman ng mahinang tunog.
4
Subukang ipikit ang iyong mga mata. Ano-anong tunog ang iyong naririnig? Saan-saan ba nagmumula ang tunog?
Sa araling ito, inaasahang mailalarawan mo ang gamit ng mga tunog sa ating pamumuhay.
5
PINAGMUMULAN NG TUNOG
6
Ang tunog ay maaaring magsimula sa pag-iglap (snap) ng daliri, pagpalakpak, pagpadyak, o kahit sa pag-aayos lamang ng iyong mga gamit.
7
Maari din pagmulan ng tunog ang ating pagsasalita, pagtawa, pag-iyak, pagsipol at pagkanta dahil sa pag-vibrate ng ating vocal cords.
8
Ang iba’t iba namang instrumentong ang musika ay nakalilikha ng tunog sa pamamagitan ng paghampas gaya ng tambol, paghihip gaya ng torotot at trumpeta, pagkalabit ng string gaya ng gitara at violin, at pagkalog gaya ng maracas at iba pa.
9
Marami ding bagay sa ating paligid ang
pinagmumulan ng tunog gaya ng radio, telebisyon, telepono o cell phones, orasan, bell o kampana, at mga sasakyan.
10
Maging ang mga hayop ay pinagmumulan din ng iba’t ibang tunog gaya ng huni Ng ibon at tahol ng aso.
11
GAMIT NG TUNOG
12
Ang iba’t ibang tunog na ating naririnig ay may iba’t ibang gamit.
Ang mga tunog na nalilikha sa pagsasalita at pagkanta ay ginagamit sa pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan.
13
May mga tunog na nagsisilbing musika.
14
Ang tunog ay maaaring gamiting senyales o babala sa panahon ng sakuna gaya ng lindol, sunog, o bagyo.
15
Ang tunog ng trak ng bumbero ay nagpapahiwatig ng sunog.
16
Ang tunog ng ambulansiya ay nagpapahiwatig naman na kailangan itong bigyang-daan dahil nanganganib ang sakay nito.
17
May mga tunog na nagbibigay ng musika at impormasyon gaya ng mga nagmumula sa radio at telebisyon.
18
Ang tunog ng kampana ng simbahan ay hudyat na magsisimula na ang misa.
Ang tunog ng alarm clock ay nagbibigay-hudyat na oras na ng paggising.
19
Ang busina ng mga sasakyan ay nagbibigay-bababala upang maiwasan ang sakuna.
Mahalaga ang mga tunog ngunit ang sobrang malalakas na tunog ay maaari ring makasama.
20
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Lagyan ng / (tsek) ang mga bagay na pinagmumulan ng tunog.
21
1. whistle / pito /
2. palakpak
3. gitara
4. tambol
5. agos ng ilog
22
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2 :
Hanapin sa hanay B ang gamit ng tunog sa mga larawan sa hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
23
HANAY A
1. radyo
2. ambulansya
3. mga batang nag-uusap
4. orasan
5. door bell
24
HANAY B
a. nagbibigay babala na may nakasakay na nasa panganib
b. ginagamit sa pakikipag-ugnayan
c. nagbibigay-impormasyon at musika
d. hudyat na may tao sa pintuan o gate
e. nagbibigay-hudyat ng oras na ng paggising
25
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Ilarawan ang gamit ng tunog sa sumusunod
26
1. kampana
2. ambulansya
3. cell phone
4. pito
5. kotse
27
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Magbigay ng 3 pangyayaring maaaring maganap kung walang tunog tayong naririnig sa ating kapaligiran.
28
1.
2.
3.
29
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Batay sa iyong napag-aralan, punan ang mind map at sagutin ang tanong sa ibaba.
30
Gamit ng Tunog:
1.
2.
3.
31
Bakit mahalaga ang tunog?
1.
2.
GAMIT NG TUNOG
QUARTER 3 WEEK 7

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 31
SLIDE
Similar Resources on Wayground
24 questions
LONG QUIZ - EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Presentation
•
3rd Grade
19 questions
Aralin 1: Mga materyales na mainit o malamig
Presentation
•
3rd Grade
23 questions
Paiement en ligne
Presentation
•
KG
22 questions
MTB- MLE 3 Q3 WEEK 1 LESSON
Presentation
•
3rd Grade
22 questions
Q4 4TH SUMMATIVE TEST ARALING PANLIPUNAN
Presentation
•
3rd Grade
29 questions
TEMA 3 SOCIALES
Presentation
•
3rd Grade
21 questions
Ôn tập tin học lớp 4 HK1
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 4
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
HSMS - Standard Response Protocol
Quiz
•
6th - 8th Grade
16 questions
1.1-1.2 Quiz Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
12 questions
Exponent Expressions
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Adding and Subtracting Integers
Quiz
•
6th - 7th Grade
11 questions
Northeast States
Quiz
•
3rd - 4th Grade
10 questions
Characterization
Quiz
•
3rd - 7th Grade
10 questions
Common Denominators
Quiz
•
5th Grade