

ESP WEEK 7-8
Presentation
•
Life Skills
•
5th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Dominic Liquido
Used 4+ times
FREE Resource
10 Slides • 6 Questions
1
ESP WEEK 7-8
Pakikilahok sa mga Programa o Proyekto

2
Sa pagkakataong ito, inaasahan na maipapakita mo na ikaw ay nakikilahok sa mga patimpalak o paligsahan na ang layunin ay pakikipagkaibigan at nagagampanan mo nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan
3
Basahin at unawaing mabuti ang sumunod na tula. Sagutan ang mga sumunod na tanong matapos basahin ang tula.
4
Halika na, Kaibigan!
P. Monterola
5
Kaibigan, ikaw ba ay nalulungkot, Walang makakalaro at nababagot? Kaibigan, halika’t sumama, Sapagkat may saya sa pakikipagkapwa.
6
Kaibigan, ikaw ba ay nalulumbay, Walang kumakausap at umaagapay? Kaibigan, halika’t sumali, Sapagkat kawili-wili ang mga palaro, paligsahan o klase.
7
Kaibigan, ikaw ba ay naiinip, Walang ginagawa, tulala’t nananaginip? Kaibigan, halika’t makiisa, Sapagkat may pag-asa sa mga pampaaralan na programa.
8
Open Ended
Ano-anong pakiramdam o pinagdaraanan ang mga nabanggit sa tula?
9
Open Ended
Ano-ano naman ang dapat gawin sa mga nadarama o pinagdaraanang nabanggit?
10
Open Ended
Bakit kailangang makikipagkaibigan?
11
Open Ended
Bakit kailangang sumali sa palaro, paligsahan o klase?
12
Open Ended
Bakit kailangan na makiisa sa mga pampaaralan na programa?
13
Open Ended
Ikaw, sa palagay mo, kailangan bang makipagkaibigan at lumahok sa mga programa o proyekto ng iyong komunidad at lalo na sa iyong paaralan?
14
Ang pakikiisa sa mga gawaing ito tulad ng paglalaro at pakikilahok sa mga programa ay nakatutulong upang mapagyaman ang sarili sa kagandahang–asal at pakikipagkaibigan.
15
Ikaw, bílang kabahagi at miyembro ng isang pamilya at pamayanan ay may tungkuling dapat gampanan. Ang tungkuling nakaatang sa iyo ay dapat gawin mo nang buong puso, may kasiyahan at pakikiisa na hindi naghihintay ng anumang kapalit.
16
Ang tunay na pakikilahok at pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan ay nakikita kung ginagawa itong bukal sa kalooban at hindi napipilitan lámang. Hindi rin ito namimili o umaayaw sa anumang gawain. Gumagawa ito ng paraan na pagkasyahin o gamitin ang anumang teknolohiya o gamit na mayroon lámang. Ito ang tatak Pinoy. Ganito ang tunay na Pilipino. Pinagkakasya at ginagawan ng paraan ang anumang mayroon at káya.
ESP WEEK 7-8
Pakikilahok sa mga Programa o Proyekto

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 16
SLIDE
Similar Resources on Wayground
13 questions
Kąty. Rodzaje kątów.
Presentation
•
5th Grade
10 questions
La poesía
Presentation
•
5th Grade
10 questions
Pronomes pessoais
Presentation
•
5th Grade
12 questions
Wirusy, bakterie, protisty, grzyby
Presentation
•
5th Grade
12 questions
Situações problemas envolvendo as quatro operações matemáticas.
Presentation
•
6th Grade
10 questions
Panahon ng Eksplorasyon at Kolonisasyon
Presentation
•
5th Grade
11 questions
Ôn chữ chái e, ê
Presentation
•
KG
11 questions
Variety
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade