
Pag-unawa sa Kaligiran ng El Filibusterismo
Presentation
•
Other
•
10th Grade
•
Medium
Chloe Cabodil
Used 11+ times
FREE Resource
11 Slides • 15 Questions
1
Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda
Setyembre 9, 2023
2
Multiple Choice
1. Sino sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pinag-alayan ng akdang El Filibusterismo?
Mariano Gomez
Jose Burgos
Jacinto Zamora
Jacinto Gomburza
3
Paliwanag:
Ang GomBurZa na binubuo nina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora ang pinag-alayan ni Rizal ng ikalawang akda. Sila rin ay binansagan bilang tatlong paring martir.
4
Multiple Choice
2. Bakit binitay ang tatlong paring martir?
pinaratangan silang pasimuno ng himagsikan
pinaratangan silang nang-aapi ng mga indiyo
pinaratangan silang magnanakaw
pinaratangan silang pasimuno ng pananakop
5
Paliwanag
Pawang mga paring sekular ang mga paring sina Gomez, Burgos, at Jacinto. Dahil dito, pinagbintangan sila bilang mastermind ng Cavite Mutiny na umusig sa mga promineteng pamilya sa Pilipinas noong kasagsagan ng pananakop ng mga Espanyol.
6
Multiple Choice
3. Ano ang ibig sabihin ng sekularisasyon sa Pilipinas?
pagtatalaga sa mga paring Pilipino bilang kura
pagtuligsa sa mga paring Espanyol
pagtatalaga sa mga paring Espanyol bilang kura
pagtuligsa sa mga paring Pilipino
7
Paliwanag:
Nilalayon ng kilusang sekularisasyon noon sa Pilipinas na maitalaga sa mahahalagang posisyon sa simbahan ang mga paring Pilipino. Isa sa mga magiging epekto nito ay unti-unting pagkawala ng impluwensya ng mga paring Espanyol sa pagpapalakad ng pamahalaang Espanyol sa bansa.
8
Multiple Choice
4. Ano ang naging suliranin ni Kabesang Tales sa nobela?
Siya ay naging biktima ng pangangamkam ng lupa.
Siya ay naging biktima ng pandurukot.
Siya ay naging biktima ng pandaraya sa eleksyon.
Siya ay naging biktima ng mga tulisan.
9
Paliwanag:
Isa sa mga naging estratehiya ng mga Espanyol upang mapalawak ang kanilang lupain at sakahan sa Pilipinas ay ang land grabbing o pangangamkam ng lupa. Hinahayaan muna nila ang mga katutubo na hawanin ang mga gubat upang gawing sakahan, saka nila ito nanakawin sa pamamagitan ng panggigipit at/o pandarahas.
10
Multiple Choice
5. Anong bahagi ng pagkatao ni Jose Rizal ang kinakatawan ng tauhang si Simoun?
pagnanais ni Rizal na maghimagsik laban sa Espanya
pagnanais ni Rizal na magpasakop sa Espanya
pagnanais ni Rizal na mamatay para sa Pilipinas
pagnanais ni Rizal na maging alipini ng Espanya
11
Paliwanag:
Kasapi si Jose Rizal ng kilusang propagandista sa bansa noong panahon ng pananakop ng Kastila. Sila ang mga Pilipinong ginagamit ang panulat upang tuligsain ang mapang-aping pamamahala ng mga dayuhan. Subalit lihim ding ninanais ni Rizal na mag-aklas ang mga Pilipino laban sa mga ito bagaman naniniwala siyang hindi pa handa noon ang pwersa nina Andres Bonifacio.
12
Multiple Choice
6. Bakit inudyukan ni Simoun ang pamahalaang Kastila na apihin ang mga Indiyo?
upang gisingin ang diwang makabayan at maghimagsik
upang pagtaksilan ang mga kapwa-Pilipino
upang talikuran ang bansang sinilangan
upang talikuran ang bansang sinilangan
13
Paliwanag:
Iisa lamang ang layunin ni Rizal at ng pangunahin niyang tauhan na si Simoun. Nais nilang gisingin ang diwang makabayan ng mga indiyo, galitin ito, upang mag-alsa laban sa mapaniil na pamahalaang Espanyol.
14
Multiple Choice
7. Paano tinatrato ang mga kababaihan sa nobela?
may kalayaan silang gawin ang kanilang nais
may proteksyon sila laban sa pang-aabuso
may kalayaan silang makibahagi sa eleksyon
may gampanin silang sundin ang lahat ng utos ng mga lalaki
15
Paliwanag:
Tuluyang inalisan ng kalayaan ang mga kababaihan sa panahon ng kanilang pananakop sa bansa. Ito ay bunga ng patriyarkal na pag-iisip na siyang namamayani sa lipunang Espanyol noon.
16
Multiple Choice
8. Bakit tutol ang mga prayle sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila?
dahil mahirap turuan ang Indiyo
dahil mauunawaan na sila ng mga Indiyo
dahil walang gurong magtuturo sa mga guro.
dahil nais nilang Ingles ang ituro sa mga Indiyo
17
Paliwanag:
Makapangyarihang sandata ang wika. Ito ang sisidlan ng karunungan kaya ito rin ang ginamit na sandata ni Rizal upang makisangkot sa himagsikang Pilipino.
18
Multiple Choice
9. Sino ang mukha ng rebolusyon sa akdang El Filibusterismo?
Simoun
Basilio
Isagani
Elias
19
Paliwanag:
Hindi tulad ni Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere na naniniwala sa diplomasya, ang kanyang katauhan bilang Simoun sa El Filibusterismo ay puno ng galit dulot ng mapang-aping pamamalakad ng mga Espanyol. Ang galit na ito ang nag-udyok sa kanyang mag-aklas laban sa mga ito.
20
Multiple Select
10. Ano-ano ang kadalasang sanhi ng paghihimagsik?
kaapihan
kawalan ng hustisya
pagkakapantay-pantay
kasaganaan
21
Paliwanag:
Makatwiran ang maghimagsik kung pinananatili ang sistema ng pang-aapi sa mga mamamayan at patuloy na ipinagkakait ang hustisya sa mga biktima nito.
22
Multiple Choice
11. Alin sa mga sumusunod ang may salitang-ugat na himagsik?
himagsikan
rebolusyon
tilamsikan
paghahasik
23
Multiple Choice
12. Alin sa mga sumusunod ang may salitang-ugat na api?
kaapihan
kapihan
pagtatakip
alipin
24
Multiple Choice
13. Alin sa mga sumusunod ang may salitang-ugat na alay?
kalayaan
pangangalay
pag-aalay
palayan
25
Multiple Choice
14. Alin sa mga sumusunod ang may salitang-ugat na laya?
pagpaparaya
kalayaan
pamamalakaya
palayan
26
Multiple Choice
15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng hustisya?
pagiging malaya sa pagpapahayag
pagiging malaya sa pagboto
pagiging malaya ng napatunayang plunderer
pagiging malaya ng mga bilanggong pulitikal
Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda
Setyembre 9, 2023
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 26
SLIDE
Similar Resources on Wayground
20 questions
X Berpikir Sinkronis dan diakronis
Presentation
•
10th Grade
22 questions
Biblia
Presentation
•
9th Grade
19 questions
Oratória II
Presentation
•
10th Grade
21 questions
Moles and Molar Mass
Presentation
•
10th Grade
21 questions
Filipino 10
Presentation
•
10th Grade
22 questions
Triduum Pashalne
Presentation
•
10th Grade
18 questions
RUMUS KIMIA DAN TATA NAMA SENYAWA
Presentation
•
10th Grade
19 questions
Inglês Prova Paraná
Presentation
•
11th Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade