
MTB Modyul 4
Presentation
•
Other
•
2nd Grade
•
Easy
Teacher Meljon
Used 5+ times
FREE Resource
18 Slides • 10 Questions
1
Pag-unawa at Pagsagot sa Literal na Antas ng Pagtatanong
Grade 2 St. Patrick Class
2
Layunin:
pag-unawa at pagsagot sa literal na antas ng pagtatanong at
3
Tuklasin
Susi sa Pagsagot ng mga Literal na Tanong ay ang pag-unawa sa mga Kuwento, pabula, tula o tekstong binabasa.
Mahalagang nauunawaan rin ang Di-kilalang Salita upang maiwasan ang pagkakaputol o balakid sa babasahin.
4
Tuklasin
Susi sa Pagsagot ng mga Literal ng Tanong ay ang pag-unawa sa mga kuwento, pabula, tula o tekstong binabasa.
Mahalagang nauunawaan rin ang Di-kilalang Salita upang maiwasan ang pagkakaputol o balakid sa pag-unawa ng babasahin.
Ang mga halimbawa ng mga Literal na Tanong ay ang Sino, Ano, Saan at Kailan, at Alin.
Ang mga kasagutan sa Literal na tanong ay simpleng pag-alala sa mga tanong o detalyeng nakapaloob sa babasahin.
Nalaman muna ang mga puntong kinakailangan mong malaman. Handa kana ba sa susunod na gawain?
5
Suriin
Panuto: Basahin at unawain ang Kuwento, pagkatapos ay sugutan ang mga Literal na antas ng Pagtatanong.
6
Basahin ang kuwento
"Unang Araw ng Pasukan"
Akda nina Babylen Arit-Soner, Grace Urbien-Salvatus, at Rianne P. Tiñana
7
Pagpapatuloy...
Unang araw ng klase. Maagang pumasok si Mina sa paaralan. “Aalis na po ako inay” paalam ni Mina sa kaniyang nanay.” Heto ang manggang hinog na gusto mong prutas” wika ng nanay kay Mina. “Salamat po inay” wika ni Mina. “Ayaw mo ba talaga ng atis?” tanong ng nanay. “Ayaw ko po inay. Kahit matamis ang atis ay marami po namang buto ito.” sagot ni Mina. “Sige, ingat ka sa daan anak,” bilin ng nanay kay Mina. “Opo nanay. Salamat po!” wika ni Mina.
8
Pagpapatuloy...
“Magandang umaga po, Gng. Santos”, bati niya. “Magandang umaga din sa iyo, Mina”, wika ng punong guro. Sa kaniyang patuloy na paglalakad, napansin niya ang isang batang lalaki na nakabukas ang bag. Hinabol ito ni Mina. “Bata, nakabukas ang iyong bag, baka malaglag ang iyong mga gamit”, ang sabi niya. “Naku oo nga, Maraming salamat
9
pagpapatuloy...
ha!”, ang sabi ng bata. Walang anuman”, ang nakangiting tugon ni Mina. Masayang-masaya si Mina dahil unang araw pa lang ng pasukan ay nakatulong na siya.
10
Suriin
Basahing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang at piliin ng tamang sagot.
11
Multiple Choice
Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento
Mina
Gng. Santos
kaklase
Nanay
12
Multiple Select
Alin sa mga katangian sa ibaba ang hindi katangian ni Mina?
mabait
magalang
matulungin
matapang
13
Multiple Choice
Saan ba nangyari ang kuwento?
sa palaruan
sa kalye
sa palengke
sa paaralan
14
Multiple Choice
Ano-anong prutas ang nabanggit sa kuwento?
buko at ubas
mansanas at pakwan
saging at santol
atis at mangga
15
Pagyamanin
Buuin ang Character Map. Ibigay ang katangian ni Mina batay sa kuwento.
16
Multiple Select
Magbigay ng tatlong (3) Katangian ni Mina batay sa kwento.
Magalang
Makalat
Matulungin
Sinungaling
Masipag
17
Ganito ba ang iyong naging sagot?
18
Isaisip
Mauunawaan ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga Literal na Antas ng Pagtatanong sa kuwento at pagbibigay ng detalye tungkol dito. Ang pagbibigay ng hinuha, komento o reaksiyon ang magbibigay kahulugan at ugnayan sa buhay.
Napansin mo ba ang mga salitang may kulay? Ang mga iyon ay mga salita na ginagamit sa Literal na Antas ng Pagtatanong.
19
Tayahin:
Panuto: Basahin ang tula at ibigay ang tamang sagot sa mga tanong.
20
Ang Gusto Ko!
Akda ni Agnes Guevara Rolle
Nais kong tumulong sa tuwi- tuwina
Sa mahal kong ina at mahal kong ama
Ang gawaing bahay na kayang kaya na
Ako ang gagawa at hindi na sila.
21
pagpapatuloy
Pagbubutihin ko rin itong pag-aaral
Ng ang pera at oras ay hindi masayang
Ako rin ay magiging mabuting mamamayan
Ng minamahal kong lugar na tirahan.
22
pagpapatuloy
Wastong pag-uugali ay isasabuhay
Tulad ng pagtatapon ng basura sa bakuran
Halaman at hayop na ikinabubuhay
Pagyayamanin ko at aalagaan
23
Multiple Choice
Ano ang pamagat ng tula?
Ang Gusto Ko!
Pasko Na!
Uwian Na.
Covid 19!
24
Multiple Choice
Sino ang may akda ng tula?
Dr. Jose Rizal
Bea Manalastas
Agnes Guevara Rolle
Susan Abela
25
Multiple Select
Sinu-sno ang gustong tulungan ng tao sa tula?
Kuya
Ate
Ama
Ina
Tiyo
26
Multiple Select
Anong gawaing bahay ang kaya mong gawin?
Pagligpit ng kinainana.
Mag-tiktok
Pagsaayos ng hinigaan
Maglagay ng labahan sa tamang lagayan
Manood sa telibisyon at cellphone
27
Multiple Choice
Bakit kailangang magtapon ng basura?
Para magkaroon ng baha at makaligo sa ilog,
Para di mapagalitan ng nanay at tatay.
Para hindi dumami ang mga basura.
Para sabhin ng iba na mabait ka.
28
Natapos na iyong pag-aaral, nawa'y may natutunaan ka.
"Mag-aral ng Tapat upang Karununga'y Maging Sapat"
Pag-unawa at Pagsagot sa Literal na Antas ng Pagtatanong
Grade 2 St. Patrick Class
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 28
SLIDE
Similar Resources on Wayground
21 questions
Filipino 2 Weeks 2 and 3
Presentation
•
2nd Grade
21 questions
Health–Modyul 3: Pangangalagang Pansaril
Presentation
•
2nd Grade
24 questions
Quarter 1: MTB: Week 5
Presentation
•
2nd Grade
20 questions
G2 Filipino Uri ng Pangungusap
Presentation
•
1st - 2nd Grade
25 questions
Recuperação 01 (Pensamento Computacional)
Presentation
•
KG
18 questions
3rd Quarter Filipino Week 1
Presentation
•
2nd Grade
20 questions
El acento
Presentation
•
2nd Grade
22 questions
2ndQ_Aralin 5_MT 2
Presentation
•
2nd Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade