
ESP Modyul 4
Presentation
•
Architecture
•
2nd Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Teacher Meljon
Used 4+ times
FREE Resource
18 Slides • 18 Questions
1
ESP Modyul 4
Grade 2-St. Patrick Class
2
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
Nakagagamit ng magalang na pananalita sa kapwa bata at nakatatanda. (EsP2P-IId-8)
3
Tuklasin
Basahin natin ang pag-uusap ng magkapitbahay. Bigyang pansin ang mga magagalang na pananalita na kanilang ginamit.
4
Tuklasin
Panuto: Pagmasdan ang larawan at basahin ang kasunod na kuwento.
5
Basahin:
Bagong lipat sa Baranggay Barretto ang mag-inang Lorna at Chary. Isang araw, binisita sila ng mag-inang Aling May at Recca.
6
Dialogo
Aling May: Tao po! Magandang tanghali po! Ako si May at ito naman ang anak kong si Recca.
Aling Lorna: Magandang tanghali rin sa inyo! Ako naman si Lorna at ito naman ang aking anak na si Chary. Ikinagagalak namin kayong makilala. Tuloy po kayo sa aming munting bahay.
Aling May: Maraming salamat! Kumusta naman kayo rito sa bago ninyong bahay? Sana magustuhan ninyo ang pagtira rito sa ating baranggay. Para sa inyo itong dala naming ulam.
7
Pagpapatuloy..
Aling Lorna: Naku! Maraming salamat! Tiyak na magugustuhan ito ni Chary.
Recca: ‘Nay, maaari po ba akong maglaro sa labas?
Aling May: Oo sige anak, isama mo si Chary. Ipakilala mo na rin siya sa iyong mga kaibigan
Recca: Opo ‘Nay. Tara na Chary, ipakikilala kita sa aking mga kaibigan
8
Pagpapatuloy...
Chary: Sige, tara na!
Recca at Chary: Paalam po Nanay!
Aling May at Aling Lorna: Mag-iingat kayo mga anak!
Recca at Chary: Opo Nanay!
At masayang lumabas ng bahay ang dalawang bata upang maglaro. Nagpatuloy naman sa pagkukuwentuhan sina Aling May at Aling Lorna.
9
Panuto:
Sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin ang tamang sagot.
10
Multiple Choice
1. Paano tinanggap ng mag-inang May at Recca sina Aling Lorna at Chary?
a. Binisita nila sina Aling Lorna at Chary at binigyan ng bulaklak
b. Binisita nila sina Aling Lorna at Chary at binigyan ng ulam
c. Binisita nila sina Aling Lorna at Chary at binigyan ng gamit
d. Binisita nila sina Aling Lorna at Chary at binigyan ng pera
11
Multiple Choice
2. Ano ang sinabi ni Aling Lorna ng bigyan siya ng ulam ni Aling May?
a. Masarap ba ito?
b. Maraming salamat! Tiyak na magugustuhan ito ni Chary.
c. Pasensiya na pero hindi kami kumakain ng ganito.
d. Wow! Mukhang masarap ang niluto mong ulam.
12
Multiple Choice
3. Paano kinaibigan ni Recca si Chary?
a. Hindi isinama ni Recca si Chary sa paglalaro.
b.Hindi pinansin ni Recca si Chary.
c. Isinama ni Recca si Chary sa kaniyang pa
d. Pinahiram ni Recca ng laruan si Chary.
13
Multiple Choice
4. Alin sa sumusunod na magalang na pananalita ang hindi nabanggit sa itaas?
a. Magandang tanghali po!
b. Paalam po Nanay!
c. Ikinagagalak naming kayo ay makilala.
d. Pakiabot po!
14
Multiple Choice
5. Bakit mahalaga na gumamit tayo ng magalang na pananalita?
a. Upang maipakita ang paggalang sa kausap.
b.Upang matuwa ang guro.
c. Upang maging sikat.
d.Upang tumaas ang marka.
15
Suriin
Ang paggamit ng magalang na pananalita ay isang magandang kaugalian ng mga Pilipino na dapat nating panatilihin at ipamana sa mga susunod pang henerasyon.
Ang magalang na pananalita ay maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan. Sa kabuuan, ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng kabutihang asal.
Mapapanatili natin ang kapayapaan, magandang relasyon sa ating kapuwa, at pagtataguyod ng pagkatao kung gagamit ng magalang na pananalita
16
Ginabayang Gawain 1
Pag-aralan ang bawat sitwasyon na ipinapakita sa larawan at isulat ang dalawang magkaugnay na "Magagalang na Pananalita".
17
18
Open Ended
Ano ang dalawang (2) magkaugnay na magagaling na pananalita?
19
20
Open Ended
Ano ang dalawang (2) magkaugnay na magagaling na pananalita?
21
22
Open Ended
Ano ang dalawang (2) magkaugnay na magagaling na pananalita?
23
Ang nasa itaas ay ilan lamang sa mga magagalang na pananalita na ginagamit natin araw-araw sa iba’t ibang pagkakataon. Katulad ng “maraming salamat” kung ikaw ay may natanggap na anuman at “paalam po” kung ikaw ay aalis.
24
Pagyamanin
Panuto: Anong magalang na pananalita ang sasabihin mo sa sumusunod na sitwasyon? Piliin ang titik ng iyong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
25
Multiple Choice
1. Naapakan mo ang paa ng iyong kamag-aral. Ano ang sasabihin mo?
A. Maraming salamat!
B. Ipagpaumanhin mo.
C. Aalis na po ako.
D. Padaan po.
26
Multiple Choice
2. Isang tanghali, nakasalubong mo ang iyong guro, ano ang sasabihin mo?
A. Magandang umaga po, Sir!
B. Magandang tanghali po, Teacher!
C.Magandang gabi po, Ma’am!
D.Magandang hapon po, Teacher!
27
Multiple Choice
3. Nag-uusap ang iyong nanay at tiyahin, gusto mo sanang dumaan. Ano ang sasabihin mo?
A. Makikiraan po.
B. Paalam po!
C.Pakisuyo po.
D.Tumabi po kayo.
28
Multiple Choice
4. Masaya kayong kumakain, nais mo sanang abutin ang ulam ngunit malayo ito sa iyo. Ano ang sasabihin mo?
A. Pakiabot po ang ulam.
B. Iabot mo nga sa akin ang ulam.
C. Alis, aabutin ko ang ulam.
D. Pahingi ako ng ulam.
29
Multiple Choice
5. May dumating kayong bisita, ano ang sasabihin mo?
A. Tuloy po kayo.
B. Maraming salamat po!
C.Makikiraan po.
D. Kumusta po kayo?
30
Panuto:
Panuto: Ano ang angkop na magagalang na pananalita ang gagamitin mo sa bawat sitwasyon.
31
Multiple Choice
Dumating ang iyong tiyahin sa inyong bahay
Ipagpaumanhin mo.
Tao po!
Magandang gabi po, tiya!
Maraming salamat.
Hello! Sino po sila?
32
Multiple Choice
Kumakatok ka sa pinto at hinahanap mo ang may-ari ng bahay
Ipagpaumanhin mo.
Tao po!
Magandang gabi po, tiya!
Maraming salamat.
Hello! Sino po sila?
33
Multiple Choice
Binigyan ka ng regalo ng iyong kuya
Ipagpaumanhin mo.
Tao po!
Magandang gabi po, tiya!
Maraming salamat.
Hello! Sino po sila?
34
Multiple Choice
Binigyan ka ng regalo ng iyong kuya
Ipagpaumanhin mo.
Tao po!
Magandang gabi po, tiya!
Maraming salamat.
Hello! Sino po sila?
35
Multiple Choice
Sinagot mo ang tawag sa telepono
Ipagpaumanhin mo.
Tao po!
Magandang gabi po, tiya!
Maraming salamat.
Hello! Sino po sila?
36
Maraming salamat!
"Mag-aral ng tapat upang ang karununga'y maging sapat".
ESP Modyul 4
Grade 2-St. Patrick Class
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 36
SLIDE
Similar Resources on Wayground
27 questions
week 8,3rd quarter
Presentation
•
2nd Grade
27 questions
prąd elektryczny liceum
Presentation
•
2nd Grade
28 questions
GRADE 2 - KARAPATAN AT TUNGKULIN
Presentation
•
2nd Grade
32 questions
Bin & Bon: Feelings
Presentation
•
2nd Grade
32 questions
Quarter 1: Arts: Week 1
Presentation
•
2nd Grade
27 questions
Quarter 4: Filipino: Week 5: Angkop na Pamagat
Presentation
•
2nd Grade
27 questions
Mathematics Module 5 (Day 2)
Presentation
•
2nd Grade
27 questions
Araling Panlipunan Module 4 (Day 2)
Presentation
•
2nd Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade