

ESP 4_Q2:Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko
Presentation
•
Moral Science
•
4th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Johnrill Generoso
Used 19+ times
FREE Resource
7 Slides • 4 Questions
1
Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko
ESP 4_Quarter 2, Week 2

2
Poll
Naranasan mo na bang makatanggap ng di-magandang puna galing sa iyong kaklase o kaibigan?
Oo
Hindi
Hindi ko maalala
3
Open Ended
Anu-ano ang mga puna na iyong natanggap? Magbigay ng iilang halimbawa
4
Basahin ang kwento
Sumali ka sa “Likha Awit” at napatalon ka sa tuwa nang nalaman mong kasali ka sa “final round.” Puspusan kang nag ensayo upang makuha mo ang magandang puna ng mga hurado at ninanais mong ikaw ang mananalo sa paligsahan. Nang dumating ang panahon ng iyong pagtatanghal sa nasabing paligsahan, nagpalakpakan ang lahat. Buong husay mong ipinakita sa lahat lalo na sa mga hurado ang iyong galing sa pag-awit subalit walang hurado ang nakapansin sa iyong galing at ito’y tanda ng iyong pagkabigo. Sabi ng unang hurado na kulang ka sa sigla. Ang puna naman ng isa pang hurado ay may mga nota na hindi mo naabot. Sinabi naman ng isang hurado, kulang ka raw sa pagbibigay ng damdamin sa
awit.
5
Open Ended
1. Ano ang iyong reaksiyon nang marinig mo ang mga puna ng mga
hurado? Paano mo tinanggap ang mga puna?
6
Oral Recitation
2. Bakit kaya negatibo ang natanggap mong mga puna?
7
Open Ended
3. Sa iyong palagay, ano ang iyong naging pagkukulang?
8
Isaisip
Likas sa tao ang magbigay ng puna o papuri sa kilos, ugali, at pisikal na anyo ng kaniyang kapuwa. May mga pagkakataong hindi natin namamalayan na nakasasakit na tayo ng damdamin ng ating kapuwa dahil sa mga ibinibigay nating puna at pintas. Paano ba tatanggapin ang mga puna nang maluwag sa ating kalooban? May mga paraan na makatutulong sa isang batang tulad mo upang higit na mapaunlad ang sarili sa kabila ng maraming puna na iyong natatanggap.
9
Mga Paraan na makatutulong sa iyo upang higit na mapamahalaan mo ang iyong sarili at makamit ang layunin sa buhay:
Pakinggan ang sinasabi ng kapuwa mo, subalit timbangin mo kung ano ang magiging bunga kung ito ay iyong susundin o hindi.
Magkaroon ng positibong pananaw sa mga bagay na nangyayari sa iyo at sa iyong paligid.
Alamin kung ano-ano ang nais mo sa buhay at dito ituon ang iyong pansin.
Gawing inspirasyon sa iyong ginagawa ang iyong pamilya, mga kaibigan, at higit sa lahat, magkaroon ng matibay na paniniwala sa Diyos.
10
Maging mabuting halimbawa sa iyong kapuwa sa pagbibigay ng puna at papuri.
Isipin lagi na ang papuri at puna ay makatutulong sa pagkilala natin sa ating sarili upang magkaroon ng pagbabago at pag-unlad sa iyong ginagawa.
11
Ang pagsusuri sa mga puna ay makatutulong upang matanggap ang mga ito nang maluwag sa kalooban at hindi maging sanhi ng kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan.
Sa iyong paglaki ay marami kang marinig na mga puna at papuri sa iyong ginagawa. Ang mahinahong pagtanggap sa mga ito ay makatutulong upang higit na maunawaan ang damdamin ng kapuwa at higit na mapaunlad ang sarili.
Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko
ESP 4_Quarter 2, Week 2

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 11
SLIDE
Similar Resources on Wayground
9 questions
Alphabet 2022
Presentation
•
KG
6 questions
Pagbibigay ng Angkop na Pamagat
Presentation
•
4th Grade
6 questions
filipino
Presentation
•
4th Grade
10 questions
LÀM QUEN CHỮ CÁI O, Ô, Ơ
Presentation
•
KG
10 questions
Aula 10 CK01
Presentation
•
4th Grade
8 questions
MUSIC 3
Presentation
•
3rd Grade
8 questions
ARAL. PAN. 4 QUARTER 4
Presentation
•
4th Grade
8 questions
Fotosintesis
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade